Naikot na lang ni Kim ang mga mata habang umaakting na naman ang best friend niya. Hindi na niya mabilang sa daliri ng kamay miya kung ilang beses na itong naglitanya ng ganitong-ganito.
"Di ko na tuloy alam kung papangarapin ko pang gumandang kagaya mo ganyang napaka-martir mo naman! Sayang ka kung ipapabaril ka lang sa Luneta!" Naiiling na sabi ni Shaira na emote na emote pa na para bang napakabigat ng binitawan nitong mga linya.
Huminga siya ng malalim bago ibinaba ang kakagatin sana na ham sandwich. At sa seryosong mukha, "Hindi ko rin alam kung bakit pinili mong maging flight attendant samantalang napaka-drama mo palagi. Mas bagay sa'yo ang mag-artista," pigil ang ngiti na sabi niya.
Lumabi ito . ""Hindi ka naman pasimpleng naiinggit niyan kasi 'di ka pasok sa height requirement?" may himig na biro ang boses nito pero seryoso ang mukha.
Alam naman nila na hindi lang 'yon ang dahilan kaya hindi siya FA ngayon na kagaya nito. Ipinilig niya ang ulo. Makikisakay na lang siya sa kaibigan. Inilapat niya ang palad sa dibdib at seryoso pa rin ang expression niya.
"Kung hindi man ako naging flight attendant, isa lang ang ibig sabihin no'n. It's not meant to be tse!"
Natawa na lang sila at kahit papaano'y nawala panandalian ang problema niya. Nagbaba ulit siya ng tingin para ipagpatuloy ang pagkain. Ito ang gusto niya, tuwing may kaunti siyang oras at libre din si Shaira, nagkikita sila sa paboritong nilang lugar. Madaming chika at hindi nawawala ang pagkain kaya nakakalimutan niya ang mga alalahanin sa buhay.
"Kidding aside Kim, hindi ba ang tatay mo o ang nanay mo ang dapat umako ng responsibilidad sa kapatid mo? Tignan mo nga 'yan imbes na naka-graduate ka na, ang ending mo breadwinner. 'Di sana pareho na tayong maganda ang trabaho ngayon?" Nanghihinayang ang boses nito.
"Hindi pa naman huli ang lahat. Isang taon lang naman akong natigil. Alam mo naman na ako lang ang inaasahan ngayon ng inay at ni Wesley. Next year balak kong pumasok ulit. Mag-iipon na talaga ako . May aaplyan nga akong trabaho sana nga totoo na matatanggap ako. Di hamak na mas malaki ang sahod kaysa sa trabaho ko ngayon. Kaso ang gusto nila college graduate at least may 2 years experience pero tutulungan ako ni Thelma na makapasok. Kapatid siya ng kasama ko sa spa."
"Anong trabaho?" kunot ang noong tanong nito.
"Retail sales associate."
Mas lalong lumalim ang kunot ng noo nito. "Keri pa ba samantalang may trabaho ka rin sa spa?"
"Kakayanin. Pwede namang kahit ilang oras lang ako sa spa. Makakatulong pa rin ang kikitain ko doon."
"Baka hindi na pumayag si Ryan niyan na magka-trabaho ka ng isa pa? Lalo ka ng mawawalan ng time sa kanya, " may himig na biro ang tono nito.
Natawa siya ng mahina. "Ikaw talaga. Ipapasok at ipapasok mo ang tao sa usapan, " kinuha niya ang sandwich at pinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
"Kasi naman Kim, nasa tamang idad ka na. Beinte kuwatro ka na. Pati ba naman ang pakikipag-nobyo mo pipigilan pa rin ng nanay mo? Anong akala niya? Kapag nag-jowa ka hindi mo na sila bubuhayin? "Yang iniwang problema naman ng tatay mo nang sumakabilang bahay siya hindi naman dapat ikaw lang ang umaako eh. Ang inay mo kasi parang ginawa na lang excuse na hanggang ngayon depress pa siya kaya ni magtrabaho ulit hindi na ginawa. At nakukuhang pang mag-bisyo ha? Kaya siguro kahit sa tanda na nila na 'yan nagloko na rin ang tatay mo dahil nagsawa na. Ang akin lang naman sana man lang hindi naman tumakas na lang ang tatay mo sa responsibilidad kaya iniwan kayo ng basta-basta."
Napabuntung-hininga na lang siya. Ito ang kahinaan niya. Ang pamilya niya. Matapang at palaban siya sa ibang bagay pero pagdating sa pamilya, tiklop siya. Tama naman si Shaira pero mas pinili na niyang magbulag-bulagan na lang at bingi-bingihan dahil ang gusto niya maayos ang lagay nila kahit wala na ang tatay niya.
"This year naman gagradweyt na sa grade 12 si Wesley, sabi niya mag-woworking student raw siya para hindi na masyadong mabigat sa akin na pag-aralin pa siya sa college," pagtatanggol niya sa kapatid. "At isa pa choice ko ang hindi pa sagutin si Ryan. Palagi ko namang sinasabi sa kanya na hindi pa ako handa."
Naikot ni Shaira ang mga mata. "Sana all diyosa na kamukha mo kahit na may pasaway na nanay hindi susukuan ng guwapong manliligaw."
Kunway pinandilatan niya ng mata ito at sinimangutan. Tumawa lang ito at sinabihan siya na tapusin ang kinakain dahil ililibre pa daw siya nito sa sinehan. Aangal pa sana siya dahil ayaw naman niyang ito palagi ang nanlilibre pero as usual ang sagot lang nito palagi ay bumawi na lang daw siya kapag kaya na niya.
***
Tinititigan muna niya nang mabuti ang sarili sa salamin sa tapat ng elevator. Hindi na masama ang porma niya. Naka three-fourths siya na blouse na kulay dark gray na hindi naman hapit sa katawan at pencil cut na itim na palda . Nakahiram siya ng black pumps sa ate ni Shaira dahil ito ang ka-size niya. She is petite . 5'1 ang height niya at size 6 ang paa . Itinali niya ang hanggang balikat na buhok . Sa morenang kagaya niya, mas maganda ang very light lang na make-up at nude na lipstick.
Kahit alam niya na in the bag na ang trabaho, kinakabahan pa rin siya dahil nakaka-intimidate ang gusali na pinasukan niya. Napakataas at napaka-elegante ng loob. Mabuti na lang na kahit napaka-sosyal ng mga tao na nakikita niya na labas pasok, hindi naman siya mukhang alangan kahit simple lang ang ayos niya. She really goes with neutral colors dahil mas safe isuot sa ano mang okasyon at bagay naman kahit saang lugar. Pero sa totoo lang allergic siya sa mga ganitong lugar pero wala siyang magagawa. Kailangan niya ang trabaho na ito.
Humugot siya ng malalim na hininga bago pumasok sa kaka-bukas lang na elevator. Nagpasalamat siya dahil mag-isa lang siya. Nag-alangan na pumasok siya sa opisina na sinabi ni Thelma. Kagaya ng inaasahan, napaka-luwang at ganda nito. May isang lamesa na para sa sekretarya at dalawa pa na nasa bandang likod. May isang mahabang sofa at dalawang one-seater sa magkabilang dulo nito. Again she said a silent thank you dahil walang ibang tao sa loob kundi ang isang medyo may-idad ng babae na nakasalamin. Abala ito sa pagbabasa ng dokumento na nasa lamesa nito. Kumunot ang noo niya dahil wala si Thelma. Itatanong sana niya ito sa babae nang sakto na nagtaas ito ng mukha at kunot ang noo na pinasadahan siya ng tingin.
"Naku mabuti dumating ka na! Ayaw na ayaw ni sir ang na-lalate!" sabay binigay nito ang isang folder sa kanya. "Oo nabanggit ka ni Thelma sige na pasok na sa loob!"
Atubiling naglakad siya sa pintuan na itinuro nito.
"Sige na pasok na 'wag ka nang kumatok!" sabi pa ng babae.
Kagat ang ibabang labi, pinihit niya ang seradura. Kumunot ang noo niya nang magsalubong ang mga mata nila ng lalaking nakaupo sa swivel chair.
"Lock the door! It's about time!" He said in a deep voice which sounded annoyed.
Naningkit ang mga mata niya. Ito nga ang pinaka-guwapong lalaking nakita niya sa buhay niya pero ito rin ang pinaka-bossy at antipatiko. Sasabihin sana niya na hindi naman siya late at maaga pa nga siya ng labing-limang minuto pero imbes na mag-esplika napaawang ang bibig niya at nandilat ang mga mata sa sunod na sinabi nito.
"Stop wasting my time! Get into those lacy lingerie now!"
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...