Chapter 8

11.1K 375 17
                                    

"What's wrong now?" kunot ang noong tanong ni Thomas.

Napansin siguro nito na natigilan siya. She shook her head quickly and sported a poker face. He nodded and led her to the table with his hand now on her back. Wala man silang mabasa sa mukha niya pero samot-sari na ang namumuong plano sa utak niya. Pinigilan niya ang sarili na na matawa nang makita niya kung paano naningkit ang mga mata ni Franchesca. Sigurado siya na alam nito kung gaano kamahal ang suot niya ngayon. Tumayo si William habang may malapad na ngiti. He moved the chair next to him which he probably intends to offer to her.

"Good evening," bati nito sa kanila pero nasa kanya ang mga mata nito.

Tumikhim si Thomas but he didn't greet  back. Siya naman ay ngumiti sa kapatid nito bago bumati dito. Gusto niyang iwasan munang  makita ng malapitan   ang mukha ng babae ni Thomas.

"Sit between Thomas and me Kim," malapad pa rin ang ngiti na sabi ni William.

"No! She's sitting on my left!" anunsiyo  ni Thomas sa maawtoridad na boses.

Pinigilan na lang niyang mag-react while William just chuckled and raised both of his hands. Si Thomas ang umupo sa tabi ni William. Ang pwesto naman niya ay sa kaliwa nito at si Franchesca ang nasa kanan niya pero may dalawang upuan sa pagitan nila which is good. Dapat matuwa siya dahil hindi nito  tinabihan  si Franchesca. Kitang-kita niya na inikot ng kontrabidang babae ang mga mata. She hid a smile. Alam niya na hindi nito gusto ang sitting arrangement nila but she has no choice. Itinikom niya ang mga labi para hindi mapaaga ang pagganti niya rito. Kailangang swabe ang pagtira niya sa malditang sosyalera.

"Where's Jake?" tanong ni Thomas sa kapatid.

"On his way."

"I hope you don't mind that I am here Thomas. I was on my way to my car but William called me," maarteng sabi ni Franchesca.

"Nakita ko kasi na umalis kayo ulit ni Kim kaya niyaya ko na rin for dinner  si Franchesca. Matagal rin siyang nawala. We have a lot of catching up to do," masiglang sabi ni William.

"No worries. I would have done the same thing," sagot ni Thomas but his expression was hard to read, " so shall we order while waiting for Jake?"

Tumango si William and motioned for the waiter.

"That dress is definitely an improvement from what you had on a while ago," sabi ng boses ni Franchesca.

Nakagat ni Kim ang ibabang labi bago nag-angat ng mukha para tignan ito.

Hmmm...nag-uumpisa na ang maldita! sabi niya sa sarili.

"Hindi ko pwedeng tanggihan ang binili sa akin ng boyfriend ko. Kahit alam niya na simple lang ang mga gusto ko inutusan pa rin  niya si Chona na ipamili ako," sagot niya na may lakip ng ngiti sa boses.

Tumigas ang expression nito for a second or two while the brothers cleared their throats. She felt Thomas' hand on top of hers kaya wala siyang magawa kung hindi lumingon dito.

"What do you want to eat?" he asked her.

Sinulyapan niya ang pangalan ng mga pagkain na nasa menu. Ilan lang ang pamilyar sa kanya.

"You can order for me darling," malapad ang ngiti na sabi  na lang niya.

Muntik na siyang matawa nang medyo natigilan ito. He didn't expect her to use that endearment. Dito na nanggaling na hindi na nito gagamitin 'yon sa kanya dahil para lang 'yon sa mapapangasawa nito. Pero ito na rin ang nagsabi  that she can call him anything.

"I suggest the autumn fritto misto as an appetizer," dinig niyang sabi ni Franchesca.

Ano raw? Tanong niya sa sarili. Wala siyang ideya kung ano ang pagkain na 'yon. She inhaled deeply. Plano talaga   siyang ipahiya nito.

Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon