"Anak," mahinang tawag ng tatay niya. Nasa likod nito si Wesley na mukhang nag-aalangan ang expression ng mukha.
Para naman nakadikit ang mga paa niya sa kinatatayuan dahil hindi siya makakilos para lumapit at yakapin ang ama.
"Silverio?" boses 'yon ng mama ni Thomas.
Kumunot ang noo ng ama niya matapos makita ang pinanggalingan ng boses.
"Divine? Ikaw ba 'yan?"
Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin naming lima sa dalawa.
"You know each other Ma?" tanong 'yon ni Thomas.
Marahang tumango ang matandang Mrs. Herrera.
"Kaptibahay namin sila noon. Matalik na magkaibigan ang mga nanay namin. Anak mo pala si Kim," may bakas na tuwa na sabi nito.
Nang binanggit ng biyenan ang pangalan niya, doon pa lamang siya tila nakagalaw at lumakad papunta sa tatay niya. Sinalubong naman siya ng yakap nito. Hindi na niya napigilan ang hindi lumuha. Ilang taon din silang nagkalayo. Ilang sandali silang sabik na sabik na niyakap ang isat-isa habang nakatingin lang sa kanila na may pang-unawa ang asawa niya at pamilya nito. Itinaas niya ang braso para kunin ni Wesley ang kamay niya. Bandang huli, silang tatlo na ang magka-yakap. Makalipas ang ilan pang sandali, siya ang unang bumitaw pero kinuha niya ang isang kamay ng tatay niya habang hawak pa rin ng isa pa niyang kamay ang kay Wesley. Parang nabagbag lalo ang puso niya nang mapansin na mas lalong tumanda ang hitsura ng ama. Bakas sa mukha at mga mata nito ang pangungulila.
"Patawarin niyo ako mga anak. Madami akong pagkukulang sa inyo. Dahil sa hindi namin pagkakasundo ng nanay niyo, kayong mag-kapatid ang pinaka-naapektuhan. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa nanay niyo at nakahabol ako sa kasal mo kahit sa reception lang anak. Kahit sa malayo lang masaya na akong makita ko kayo."
Kumunot ang noo niya at napahigpit ang hawak sa kamay nito. "Sinabi ng nanay na kasal ko ngayon? Nag-uusap ba kayo? Bakit hindi ka nagpakita agad? Totoong sumama ka sa ibang babae?" Napakarami niyang gustong itanong dito. Wala nang dahilan para mahiya siya sa pamilya ng asawa.
"Nakita lang siya ng isa sa security ng Papa kaya nilapitan siya para sana paalisin. Hindi niya sinabi na siya ang tatay mo. Mabuti na lang bago siya tuluyang iescort palabas ng hotel, napansin siya ni Shaira," pagpapaliwanag ni William.
Puno ng awa na tinitigan niya ang ama. Naiintindihan niya na malamang nag-alangan ito pero hindi na siya nag-komento tungkol doon. Natigilan siya nang maramdaman niya na may humawak sa likod niya.
"Ako po si Thomas...'Tay."
Hindi niya naiwasan na hindi lingunin ito. Sa unang pagkakataon narinig niyang nag-Tagalog ito. HIndi niya maikakaila na gusto niya ang ginawa at sinabi nito. Inilahad nito ang isang kamay at nakangiting itinaas ng tatay niya ang kamay. Nagulat siya at lalong natuwa nang magmano ang asawa. Akala niya ay simpleng handshake lang ang gagawin nito.
"Kaawaan ka ng Diyos anak. Congratulations sa inyong dalawa."
"Mabuti pa siguro William sabihan mo ang waiters na maghanda ng mga pagkain at iakyat dito. Tawagan mo rin si Jake at papuntahin dito. Silverio hindi pwedeng hindi ka kumain. Sasabayan ka naming lahat. Hindi rin ako nabusog sa ibaba kanina dahil sa kaka-estima sa mga bisita," sabi ng biyenan niya na labis niyang ikinatuwa.
Kaagad namang kinuha ni William ang telepono.
Nang napansin niyang mukhang nag-aalangan ang hitsura ng tatay niya sabi na lang niya, "Madami tayong pag-uusapan 'Tay. Mas maganda na marinig na rin nila Mama ang lahat. Hindi na sila iba sa atin. Pamilya na tayo.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...