Napasinghap siya nang umangat ang mga paa niya sa lupa. Wala siyang magawa kung hindi kumapit sa batok nito habang nanlalaki ang mga mata. She was so shocked! Thomas was carrying her bridal style!
"We'll talk later Franchesca!" malamig na sabi nito sa babae habang karga-karga siya pabalik sa kotse nito. Ni hindi nito nilingon ang sosyal na bruha na lihim na ikinatuwa niya.
"Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!" inis na utos niya pero sa mahinang boses.
Gusto niyang kumawala pero ayaw niyang masyadong gumalaw dahil mahuhulog ang sapatos niya na walang takong. Bago pa siya magsalita ulit, inutusan ni Thomas ang valet attendant na ibalik ang susi ng kotse nito.
"Just get the heel and bring it to my car," he ordered in a cold voice.
Nagpasalamat siya na nasa malapit lang ang kotse nito. Hiyang-hiya siya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Isinubsob na lang niya ang mukha sa matigas at mabangong dibdib nito. Nagulat na naman siya ng ipasok siya nito sa kotse na kulang na lang ihagis siya nito. Naningkit ang mga mata niya. Natuwa pa naman siya na inilayo siya nito sa malditang Franchesca na 'yon at naalala pa nitong ipakuha ang takong ng sapatos niya, pero ngayon parang galit pa ito sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ito nang makapasok sa sasakyan. He was also glaring at her and then he opened the window to get the heel from the valet attendant. Kumuha ito ng pera sa pitaka at tumango sa lalake. Hindi na siya nagtaka na isang buong 500 peso bill ang tip na ibinigay nito.
Ilang araw na naming pamalengke 'yon! sabi na lang niya sa sarili.
Nakasimangot na sumandal na lang siya. Napaangat ang likod niya ulit nang ihagis nito ang takong ng sapatos niya sa likuran ng sasakyan.
"Sana hindi mo na pinakuha! Halata naman na gusto mo ng itapon eh! Pinagod mo pa si manong!" galit na sumbat niya.
Hindi siya agad sinagot nito pero matigas ang expression nito habang inilalabas ang sasakyan sa parking space.
"If you didn't provoke Franchesca then none of this would have happened! At anong balak mo kanina? Sugurin mo siya? Are you forgetting that you are supposed to be my girlfriend? Ikaw ang kauna-unahang babae na ipapakilala ko na nobya ko at anong gagawin mo? Act like an amazon? For fuck's sake Kim! Don't let your anger get the better of you! We were in a public place!" he said in an exasperated voice.
Tumaas ang kilay niya. "Wow ha? Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan? Sino ba ang kanina lang eh pinagbantaan ang kapatid ko at mga kaibigan niya dahil ang iniisip mo nakikipaglandian ako sa kanila? At para sabihin ko sa'yo hindi ko susugurin ang babae mo para sampalin o sabunutan! Pagsasabihan ko lang siya para malaman niya na sa susunod na gawin niya 'yon hindi ako mangingiming gantihan siya! Hindi porke mayaman..."
Naputol ang sasabihin niya nang biglang nagsalita ulit ito.
"Your brother? Sino sa tatlo?" kunot ang noong tanong nito matapos siyang tapunan ng tingin.
Naikot niya ang mga mata, "'Yong pinakamatangkad! At sabihin mo lang kung lahat nang makakasalubong ko na mga babae mo ayaw mong patulan ko! Pero real talk lang ha? Sa totoong mag-nobyo, normal ang mga gano'ng reaksyon! Sana all pratisadong kagaya mo kasi walang ka-effort effort ang pananakot mo sa kapatid ko at tropa niya!" panguuyam niya.
Nainis kasi siya sa sarili dahil sa bugso ng damdamin niya nasabi tuloy niya na kapatid niya si Wesley. Sa totoo lang kasi mas madalas kaysa sa hindi, kontrolado niya ang damdamin niya. Sa lalaking ito lang siya nakaramdam ng matinding inis kaya sumablay siya ngayon.
Hindi na mauulit! Umayos ka Kim! pangaral niya sa sarili.
"Don't think I did that because I was acting like a boyfriend! I reacted that way because I don't hire people who are immoral! You were with teens for crying out loud!" he said with a clipped tone.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...