Pagpasok pa lang nila may napansin na siya. May kakaiba kahit na sabay-sabay ang mga empleyado sa pagbati sa kanila ng biyenan niyang babae. Nagkatinginan ang sekretarya ni Thomas at ang sekretarya niya. Ang iba pang empleyado na nasa loob tila hindi rin normal ang kilos. Gusto niyang itaas ang isang kilay nang mapansin na may bagong empleyada. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Alam niya ang mga tipo nito. Sa suot pa lang nito ramdam na niya na hindi ito mapagkakatiwalaan. Nilingon niya ang ang biyenang babae. Nakangiti ito na mukhang wala namang napansin na kakaiba dahil madalang na madalang naman itong dumalaw sa opisina. Sinamahan lang siya nito na magpunta kay Dra. Villanueva na OB niya kaya after lunch na silang nakarating sa opisina."Ma'am siya po si Romina. Tina-train ko po kasi magfifile po ako leave. Hindi po pwedeng walang assistant si sir," sabi sa kanya ni Miss Tolentino, ang sekretarya ni Thomas.
Ni hindi ngumiti si Romina sa kanya basta lang ito nakatingin na walang anumang expression sa mukha at mga mata.
"Eh ma'am, sabi po ni sir hindi daw po kayo papasok ngayon," tila nag-aatubili namang sinabi ng sekretarya niya na si Miss del Rio kaya lumipat ang mga mata niya dito.
"Gusto namin siyang sorpresahin ng mama," nilingon niya ang biyenan, "Tara na ho Ma, bago lumamig ang dala nating pagkain kay Thomas. Mauna na ho kayo. Miss Tolentino, I will talk to you later," sabi niya habang nagpatiuna nang lumakad ang biyenan.
Tumango ito pero hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsiko nito sa sekretarya niya. Lalong lumakas ang kutob niya na may milagrong nangyayari sa opisina ng asawa.
"Ma! Kim! Bakit kayo nandito? Akala ko may lakad kayo?" tanong ni William na saktong lumabas ng opisina nito.
Mabuti at hindi pa nabubuksan ng biyenan niya ang pintuan ng opisina ni Thomas. Mabilis na naglakad ang bayaw niya para humalik sa pisngi ng ina pero nahuli niya na lumingon ito kay Miss Tolentino at malamang sinenyasan nito ang babae dahil biglang nataranta ang sekretarya at inangat ang landline. Mabuti na lang at lumayo ang biyenan mula sa pintuan dahil dali-daling sumugod sa opisina ng asawa niya bago pa ito matawagan ng sekretarya.
"Kim!" dinig niyang tawag ni William pero hindi niya ito pinansin.
"Darling?" kunot ang noong sambit ni Thomas nang binuksan niya ang pintuan.
Natigilan siya at kumunot din ang noo sa nakita.
"Bro sorry hindi ko naawat eh!" sabi ni William sa may likuran niya.
Naiiling na nagbuntong-hininga na lamang ang asawa bago naglakad palapit sa kanya. Kinuha nito ang paper bag na bitbit niya at inilapag sa malapit na lamesa. Siya naman palipat-lipat ang tingin sa isang babae at isang lalake na mukhang bading. May mga malalaking kahon ng alahas na nakabukas sa lamesa.
"Ellise?" dinig niyang tawag ng biyenan nang nakalapit na uli sa kanya si Thomas.
Hinapit siya nito sa baiwang at hinawakan ang baba niya para sa mariing halik sa labi.
"Madam! Kumusta po?" nakangiting tanong ng babae sa mama ni Thomas. Bumati rin ang lalake na kasama nito.
"Sorry darling. This is supposed..."
"Tagalog!" sabat niya sa asawa.
Natawa naman ito at narinig din niyang tumawa si William. Lumapit ang biyenan niya sa lamesa kung nasaan ang mga kahon ng alahas bago lumingon para tignan siya.
"Kim anak halika," sabi nito kaya kumawala siya sa asawa na dinig niyang may ibinulong na hindi naman niya maintindihan.
Alam niya na hindi nito gustong kumawala siya sa mga bisig nito.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...