"Will you be Mrs. Thomas Herrera darling?"
Nakatingin lang ang nanlaki niyang mga mata sa singsing na may katamtamang laki ng bato. Nakabuka ng bahagya ang bibig niya pero wala siyang masabi. Ilang beses na nag-echo sa kanya ang tanong na 'yon ni Thomas. Nang kinuha nito ang kamay niya para isuot ang singsing, binawi niya ito.
"S-sandali! Bakit may ganyan na? Are you out of your mind?" tanong niya sa pumiyok na boses.
His eyes squinted. "Does that mean no?" he asked coldly.
Siya naman ang naningkit ang mga mata. "May nabuntis ka bang babae na ayaw mong panagutan?"
Kumunot ang noo nito. "What the hell?! Where did that stupid question come from?" manghang tanong nito.
"Not unless may tinatakasan ka hindi ka magpopropose ngayon! Kailangan ko na naman bang ipaalala sa'yo na kahapon lang naging tayo?" tinignan niya ang relo niya bago ilipat uli ang mga mata dito, "Actually in half an hour pa lang bago maging 24 hours na mag-on na tayo officially! That means na at this moment wala pa ngang isang araw! "
"Who's counting? As I said I don't want to lose you again," he said with his lips barely moving.
"You know what to do to not lose me and marriage is not the answer. Alam mo ang ibig kong sabihin. Kung sakaling hindi mo alam, make an effort to know because I won't tell you. Sabi mo ako ang unang nobya mo pero siguro naman alam mo ang tamang pagtrato ng lalake sa nobya niya," sabi niya bago tumalikod.
Nag-alala siya na baka pigilan na naman siya nito so she was relieved when she saw three men who look like foreigners coming. Hindi siya hahabulin ni Thomas dahil nandito na ang mga kliyente na sinabi kanina ni William. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ito pero hindi siya lumingon.
"Switch your phone on. I'll call you in an hour," utos nito.
Hindi niya ito sinagot at tuloy-tuloy lang siyang naglakad. Hindi niya pansin ang matamis na ngiti na iginawad sa kanya ng pinaka-matangkad sa mga lalake.
Makalipas ang dalawang oras, hindi niya alam kung matutuwa o hindi dahil nagugutom pa rin siya. Hindi masarap ang pagkain sa hotel na inorder niya through room service kaya hindi niya naubos. Pero at least nakaganti siya kay Thomas. Hindi niya ini-on ang cell phone niya at hindi rin siya lumabas ng kwarto. Hindi niya mapigilan na hindi mapangiti dahil naiimagine niya na ang namumulang mukha ni Thomas sa galit. Malamang kanina pa ito tumatawag sa cp niya. Pwede ring nagpunta pa ito sa unit niya. Naiiling na lang siya na ibinalik ang focus sa pinapanuod.
***
Hindi mapigilang mapabuntong-hininga ni William habang pinagmamasdan ang kapatid na sunod-sunod ang tungga ng alak. Napapayag nito si Thomas na umuwi na lang kaysa sa labas pa mang-amok ng away ito. Mabuti na lang wala ang mama ng mga ito dahil kung hindi sermon ang aabutin ng mga ito lalo na kapag nalaman nito ang nangyari kanina.
"Tama ba naman bro na kwelyuhan mo at akmang susuntukin ang kapatid ni Mr. Chen? Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko at naawat kita sa oras! Maswerte pa rin tayo dahil napakiusapan ko si Mr. Chen para pumirma pa rin sa kontrata. Paano kung wala ako? Dahil sa topak mo pati kliyente natin mawawala! "
Thomas cursed and gulped some of the amber liquid before refilling the glass.
"That bastard smiled at Kim and I didn't like it!" malamig na sabi nito.
Tinampal ni William ang noo. "Oh dang! 'Yon lang? So lahat nang titingin kay Kim susuntukin mo?" manghang tanong nito.
Thomas snorted but didn't reply.
"Alam mo bro hindi kita maintindihan! Territorial ka kay Kim pero anong ginagawa mo? Nang sumilip ako sa pintuan para sabihin na pumasok na sa hotel sina Mr. Chen, you proposed to her and you even used the ring for the shoot! It's good that she didn't say yes. What if she found out it isn't her size? She isn't an ordinary woman so if I were you, don't mess with her feelings! Kung ano man ang balak mo para gantihan siya tigilan mo na dahil pati si mama magagalit sa'yo!"
" I was serious about the proposal. She will marry me by hook or by crook. I will get her a ring very soon. Hindi ako gumaganti lang. Marami akong realizations and I know what I'm doing," Thomas said with confidence.
" I really hope that you know what you are doing. Best of luck bro!" naiiling na sabi naman ni William.
***
Magaan ang katawan niya pagpasok sa trabaho. Even Suzie, one of her coworkers complimented her on how fresh she looks. Isang dahilan ay dahil naisakatuparan niya ang plano niya. Hindi na siya nabulabog ng lalaking 'yon, na-bad trip pa niya ito. Handa siya ngayon kung ano man ang gagawin ni Thomas. With a smile, kumatok siya sa opisina ni Ric. When she heard him say "come in" binuksan niya ang pintuan. He has an infectious smile as he looks at her appreciatively. Napansin niya na lalo itong nagmukhang distinguished sa suot nito na long sleeves. May kakaiba dito ngayong umaga which added to his good looks.
"Good morning sir," nakangiting bati niya.
He chucked. " Please sit down Kim. You keep forgetting not to call me sir when we are outside the office or we are alone. You sound too formal today. I wonder what happened yesterday," may himig ng pagbibiro na sabi nito.
Hindi niya maiwasang hindi matawa ng mahina. Ramdam niya na mas naging palagay ang loob nila sa isa't isa. She was happy knowing that her boss will always have her back. Posible naman talaga ang platonic relationship between a man and a woman.
"Nothing happened. Naglinis lang ako ng unit ko then after that I did something for a change which made me feel good today."
Mas lumapad ang ngiti nito. "I wonder what that is. But kung ano man 'yon, I suggest you do it often because it does wonder to you. I like what I'm seeing. You look more beautiful. You really brighten up the office," he said.
Tumango na lang siya. Hindi niya binigyan ng malisya ang sinabi nito.
"Anyway, have you eaten breakfast?" biglang tanong nito.
Bahagyang kumunot ang noo niya bago umiling, "I just had my usual cup of joe."
Tumayo ito at inayos ang kurbata.
"Then let's have breakfast first. Mamaya pang 10:00 ang meeting natin. As you know I can't think well if I'm hungry," he said with a cute grin.
Tumayo na rin siya.
"You can choose the place. I always trust your taste."
She nodded. Nagulat siya nang hawakan nito ang siko niya bago sila lumabas kaya napatigil siya.
"Ric?" tawag niya dito at idinerekta niya sa kamay nito ang mga mata.
Nakahinga siya ng maluwag nang alisin naman nito kaagad.
"I'm sorry," he apologized sincerely.
Nakagat niya ang ibabang labi bago tumango. Kahit walang malisya sa kanila ang mga simpleng bagay na kagaya ng pag-alalay nito sa kanya, hindi nito pwedeng gawin sa loob ng opisina ang kahit alin doon.
"After you," sabi nito matapos buksan ang pintuan. "What's happening?" biglang tanong nito.
Kumunot ang noo niya nang mapansin na tila may commotion. Biglang napalingon sa kanila si Suzie at excited na lumapit sa kanya. Wala dito ang attention niya dahil hindi niya inakala na may magaganap na ganito ngayon. Sakto namang naghiwahiwalay ang mga babaeng kaopisina niya nang mapansin ng mga ito ang presensya niya at ni Ric.
"Kim hinahanap ka ng fiance mo!" sabi ni Suzie.
There near the door, Thomas Herrera is standing looking as hot as ever. He has a bouquet of flowers in one of his hands and a box of expensive chocolate in the other. He has a sexy grin on his lips and his eyes were glinting. Akala niya handa siya sa kahit anong gagawin nito kagaya ng naisip niya kanina...
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...