Chapter 33

8.2K 267 10
                                    


Walang sinayang na sandali si Thomas. Kinaumagahan, tinawagan na nito kaagad ang nanay niya.  At kagaya ng inaasahan niya, nakuha na agad  nila ang basbas nito.  Lahat nang pinangarap ng nanay niya na sabi nito para sa kanya, natupad na.  Hindi naman lingid sa kanya  ang mga makasariling intensiyon nito pero tanggap na naman niya at alam na niya kung paano i-handle ito. Hindi na siya nagtaka na hindi man lang nito hiniling kay Thomas na kausapin siya. Ni hindi nga nito tinanong ito kung kumusta na siya. Masakit pa rin pero sanayan lang talaga. Nakakapagod  ang  palaging mamalimos ng pagmamahal sa taong nagluwal sa'yo.   Mas naipadama pa rin talaga ni Wesley ang pagmamahal at pag-aalala nito sa kanya dahil nagtext ito para itanong kung sigurado ba siya sa pagpapakasal niya sa lalaking dahilan ng   mga masalimuot na pangyayari  sa buhay niya. Nang hindi siya nagtext back, ilang beses pa itong tumawag pero ni-reject niya. Nagtext na lang siya na tatawagan niya ito mamaya. 

 Everything was happening  too fast but  she just went with the flow.  Matapos ang ina niya, ang mama naman nito ang tinawagan nito.  Mrs. Herrera's happy reaction was an understatement.  Kakaiba talaga ang  sigla  sa boses nito nang malaman ang pagpapakasal nila. Unlike her own mother, she asked for her and talked happily with her after wishing them the best.  She felt it was good dahil mas makakabuti ito sa karamdaman nito. And besides, she should  be elated dahil kahit hindi man siya ang inaasahan ng maraming tao na makakatuluyan ni Thomas, gustong-gusto naman siya ng ina nito.  Ang tanong na, "What did I do to deserve this?" ay may positibo at negatibong kahulugan na pwede sa kanilang pareho ni Thomas. 

Completing all the documents needed and finding a person who will officiate their wedding was as easy as pie for the Herrera's.  Bukas na  ng hapon ang kasal nila. Civil wedding muna at sa  pagbalik nilang lahat sa Maynila, uumpisahan nang planuhin ang  kasal nila sa simbahan dahil 'yon ang gusto ni Mrs. Herrera. Kung siya ang tatanungin, tama na sana   ang civil wedding pero siyempre hindi na siya kumontra sa gusto ng mama ni Thomas. Sigurado rin  naman siya na hindi papayag ang nanay niya na hindi sila makasal ng engrande sa simbahan lalo na at hindi  ito makakapunta bukas sa kasal na ipinapasalamat niya. Ayaw niyang may mga eksenang  gagawin ito  o may mga bagay na sasabihin na magdudulot ng kahihiyan sa kanilang lahat.

***

"Darling I hope you will  do what we talked about before we left your unit," dinig niyang paalala ni Thomas kaya naputol ang pag-iisip niya.

Naka-park na pala sila sa tapat ng  travel agency. Tumango siya pero hindi lumingon dito. Isinukbit niya ang strap ng bag sa balikat at akmang bubuksan ang pintuan pero pinigilan siya ng kamay ni Thomas. He held her hand so she had no choice but to turn to him. Something warm touched her heart by the way he is looking at her. Sobrang intense. Gusto niyang ipilig ang ulo para mahimasmasan siya mula sa nakakahipnotismong titig nito.

"You didn't want me to come with you inside nor let me wait for you here and I agreed.  Bukas magiging asawa na kita kaya ayaw kong magalit ka o may sama ka ng loob sa akin.  But you know what my stand is when it comes to  the man who will be your ex-boss today kaya  kagaya nang napag-usapan natin, ito na ang huling beses na magpupunta ka dito," malamig na sabi nito.

She has to collect  her thoughts before reacting to  him. Mahirap mag-focus kapag ganito sila kalapit sa isa't-isa.  His good-looks can cloud a clear mind like a breeze.  Humugot siya nang malalim na hininga.

"Ayaw  ko rin naman  ng away. You wanted me to move in with you today, I didn't protest. Gusto mo rin na mag-resign na ako sa trabaho ngayon, pumayag ako.  At huwag kang mag-alala, pagkatapos na pagkatapos kong makausap si Ric, lalabas na ako ng agency.. Hindi mo na ako kailangang hintayin dahil kaya ko namang pumunta sa opisina mo na mag-isa. Anyway you have an early meeting this morning, " malumanay na sabi niya.

Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon