Chapter 10

10.9K 347 13
                                    

Paulit-ulit niyang minumura sa utak niya si Thomas Herrera. Hindi talaga siya nagkamali sa first impression niya dito. Pero sayang lang talaga! Napakaguwapo sana nito pero wala itong pinagkaiba sa mga ibang lalake na mapagsamantala. Dahan-dahan siyang umupo para tignan kung nasa  gilid ng kama ang damit niya. Napangiwi siya sa sakit but she managed to sit down.

Napaungol siya at napasandal sa headboard ng kama habang nakapikit. Hawak-hawak niya ang bedsheet para ikubli ang halos hubad na katawan.  

"Kim!" 

Hindi niya alam ang mararamdaman nang marinig niya ang boses ng ina  ni Thomas. Pagmulat niya ng mga mata, humahangos ito sa tabi niya at nasa likod nito ang sa tingin niya ay kasambahay na may dalang tray. Parehong may  pag-aalala ang mga mukha ng mga ito.

"Naku hija, dahan-dahan ka lang. Tignan natin ang paa mo malamang namamaga na 'yan," Mrs. Herrera said worriedly as she checked her left  foot.

Napaungol siya ng lumantad sa kanya ang kalagayan ng kaliwang paa. Namumula nang bahagya ang bukong-bukong nitio na tila may pamamaga.

"Tatawagan ko ang family doctor namin  na pamangkin ko para matignan ito ng maayos. You might even need an X-ray but we can do some home remedy first para mabawasan ang pamamaga.  Conchita, pakilapag na muna ang pagkain at pakikuha ng ice pack please," pakiusap nito sa malumanay na tinig.

Tumango ang kasamabahay at ibinaba ang tray ng pagkain sa kabilang gilid ng kama bago ito lumabas ulit.  She on the other  hand  looked at the food without really seeing it. She just wanted to hide her eyes due to embarrassment. She is clueless kung ano ang nangyari when she passed out   pero  hindi niya alam kung paano tatanungin ang mama ni Thomas dahil nahihiya siya. Naramdaman niya ang kamay nito na humawak sa isang kamay niya kaya wala siyang  magawa kung hindi lingunin ito. Nakangiti ito.

"You got us all worried Kim. We think you sprained your ankle when you almost  collapsed. Mabuti na lang nasalo ka ni Thomas kung hindi baka mas malala ang nangyari," sabi pa nito   bago tumayo at may kunin sa  maliit na lamesa malapit sa kama, "Here's your dress hija. Pinalabhan ko.  Kami ni Conchita ang nag-alis nito dahil nasukahan mo. Please wear it. Anytime now Thomas will come."

Kulang na lang hablutin niya ang damit nang marinig ang huling sinabi ni Mrs. Herrera. Tipid ang ngiti na isinuot niya ang damit habang nakaupo pa rin sa kama. Saktong inaayos niya ang ibabang bahagi nang makarinig sila ng mga katok bago pumasok si Thomas na hindi mabasa ang expression ng mukha. Nakasuot ito ng itim na plain v-neck shirt at  black jeans. Nakasunod dito ang kasambahay na si Aling Conchita na dala-dala ang ice pack. Sinalubong niya ang mga mata nito na biglang naningkit. Napayuko lang siya nang magsalita ulit ang mama nito.

"Conchita pakibigay mo kay Thomas ang ice pack para siya na ang maglagay sa sprained ankle ni Kim. Tatawagan ko lang si Derek..."

"I don't think you need to do that Ma," malamig na sabi ni Thomas na naglakad  palapit sa kanya.

Kunot ang noo na umupo ito sa gilid ng kama habang nakatingin sa paa niya. Muntik na siyang mapasinghap nang dumapo ang mainit nitong palad sa balat niya. Tila may naramdaman siyang kuryente. Mas lalo namang kumunot ang guhit sa noo nito nang maramdaman siguro nito ang reaction niya na pilit niyang ikinukubli.  Hindi siya sanay na hinahawakan ng lalake kaya nagulat siya at nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Mabuti na lang mukhang walang nahalata ang ina nito.

"Pero anak namamaga.."

"This is not life-threatening Ma.  Multiple times my brothers and I had this injury while playing sports. Hindi mo na kailangang abalahin si Derek. I'll deal with this," sabi nito na hindi iniaalis ang mata sa kanya.

Nakagat niya ang ibabang labi nang ipatong nito ang ice pack sa bukong-bukong niya. She  gritted her teeth when she thought she saw a flash of amusement in his eyes. 

Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon