Chapter 4

14K 455 16
                                    


Panandalian lang pala ang pagsasaya niya. Ilang segundo lang ang gulat at guhit  sa noo nito kaya  naningkit ang mga mata niya. Thomas'  lips slowly formed a knowing smile. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil na-underestimate niya yata ang lintik na  arogante at manyakis na ito. Sumandal pa ito sa upuan habang pinapasadahan ng tingin ang mukha niya.

"It's going to be your words against mine, Miss Andrada," sabi nito sa cool na cool na boses.

Sumandal din siya  at pinilit maging kalmante ang mukha. Hindi maari na magpakita siya na may kaba  siyang nararamdaman. Alam naman niya na hindi basta-bastang tao ang kaharap niya. Siya pa nga lang siguro ang unang nag-walk out sa opisina nito at  nagsalita dito ng kung ano-ano. Kailangan alam niyang laruin ang baraha niya. Hindi lahat ng guwapo at mayaman dapat pinagbibigyan especially this man.

"Walang problema. Handa ako," sagot niya sa matatag na boses.

Their eyes locked. Parang may kislap siyang nakita sa mga mata nito. Nakatiimbagang ito. Napakaguwapo naman talaga nito   pero sa kasamaang  palad masama  ang ugali. Totoo nga na walang perpekto.

"I don't remember seeing you somewhere before you went to my office. Kaya nagtataka ako bakit mo ginagawa ito. May personal ka bang galit sa akin?" sis voice seemed calm  but she knew he was seething. 

Natigilan siya sa sinabi nito. 

"And for your information Miss Andrada, you misinterpreted what I said. If you just waited for me to finish instead of slapping me, which you must not do ever  again , you will not have that kind of reaction. Puwede rin kitang kasuhan sa pagsampal mo sa akin. Wala pang gumawa sa akin nang gano'n."

Kumunot ang  noo niya, "At anong ibig mong sabihin? Babaligtarin mo ako?"

"I wouldn't put it that way. Ikaw  lang ang nag-isip na binastos kita at ikaw ang nanampal. I offered you  money to  pretend to be my girlfriend this weekend. I don't need to tell you that I don't pay women for sex Miss Andrada. Hindi ko kailangang magbayad. I was going to pay you to make it clear na trabaho lang ang gagawin mo at no  sex or anything else involved. Aarte ka lang na girlfriend ko in front of other people.  At gusto ko ding malaman mo that   I am not  in a relationship because women are complicated kaya kailangan ko lang ng magpapanggap na nobya. And  what just happened  Miss Andrada is a proof. You made things complicated dahil sa mga maling akala mo. You easily jump to conclusions and you think every man wants you. Unfortunately, not this man. Actually nagkamali nga ako. I thought  you fit the job to a T dahil akala ko you are sensible. I guess looks can be deceiving. Do what you want. Kung gusto mo akong  kasuhan then go ahead. Siguro naman makakabawi ako sa'yo through your boyfriend."

Pinigilan niya ang sarili na itama ang huling sinabi nito. Ang bilis ng mga nangyayari. Ang daming sinabi nito na talagang ikinagulat  niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung ano-ano ang namumuo sa utak niya  na gustong sabihin dito pero hindi niya alam kung alin  ang uunahin. Tila naramdaman nito ang kalituhan niya. She  found herself agreeing to what he suggested instead. Kailangan ngang mag-usap sila nang maayos.

                                                                                   ***

Thomas Herrera was indeed a smooth talking person. Hindi na niya  halos maalala kung ano ang reaksyon at sinabi ni Ryan  bago sila lumipat sa mas pribadong bahagi ng restaurant dahil busy siya sa pag-iisip kung paano uumpisahan ang sasabihin niya dito.  Sa  isang bahagi ng restaurant ng hotel ang napili nito. Malayo sa iba.  They were sitting across from each other. Bago ito magsalita ulit, uunahan na niya.

"May mga gusto lang akong liwanagin Mr. Herrera. It's up to you kung magagalit ka pero sasabihin ko ang gusto ko, " malamig ang boses na sabi niya.

"Go ahead," nakatingin ito sa kanya na tila binabasa ang laman ng utak niya.

"Una, hindi ako gandang-ganda sa sarili ko para sabihin mo na iniisip ko na lahat ng lalake may gusto sa akin.  I prefer  men to like me for who I really am instead of what they see outside. Ayaw ko sa mga mababaw na lalake na puro kamunduhan ang nasa isip. Isa pa hindi mo ako masisisi kung naisip ko na binastos mo ako. The way you said it to me talagang kahit sino gano'n din ang aakalain.  Kung sanay ka na pagsalitaan ang ibang babae that way at lahat sila hinahayaan ka lang, then I don't want to be in that world because I definitely don't belong there.  Actually mukhang ikaw nga itong   nag-iisip na lahat ng babae gusto ka o nais na maging nobya mo. You say women are complicated? Iba-iba ang tao kaya huwag mong lahatin. Halimbawa ikaw. Para sa akin napakayabang mo dahil maaring nasa'yo na ang lahat pero may mga kilala din naman ako na mayaman din pero hindi ganyan ang ugali.   Kaya preno-preno ka din kapag nagasalita ka. Not everybody is willing to kiss your arse and not every woman wants to be your toy," hinintay niya na magbago ang reaction ng mukha nito pero to her surprise, he remained poker-faced.

"Point taken," sabi lang nito.

Tumaas ang isang kilay niya. Hindi mahirap kausap ito o nililinlang lang siya nito? Well hindi naman siya mahinang babae kaya hindi siya dapat mag-alala. Kung may maitim man na balak ito sa kanya, handa siya. Noon naman biglang tumunog ang telepono nito. Without taking his eyes off her, he took the call.  His face was surprisingly still expressionless but his eyes narrowed a bit as he listened to the caller. Nagkataon na hindi niya talaga tipo ang sobrang guwapo at   yaman na kagaya nito kaya siguro hindi siya tinatablan ng  charm at sex appeal nito. Aaminin na niya ubod ito ng gandang lalaki. . Napansin  niya kanina na nakasunod ang tingin ng mga  babae dito.

"I am not backing out. I will call you back," malamig na tugon nito sa kausap.

Tumuwid siya ng upo nang ibinaba na nito ang telepono. She made her face impassive too. 

"I don't think an apology is needed because everything was just a misunderstanding. But can we start over again Miss Andrada? I don't want you to hold any grudges against me. Maniwala ka na wala akong masamang balak sa'yo, " huminga ito ng malalim bago nagsalita ulit. 

She knitted her brows. She could easily read other people's mind but not Thomas'.  She found him challenging. 

"However, I take back what I said awhile ago. Naiintindihan ko na kung bakit nag-react ka  that way. Thank you for telling me how you felt.  Sensible na tao ka so  my offer still stands. Pretend to be my woman pero gawin na nating isang  linggo. I will  pay you five  hundred thousand. If you say yes now, I can give you two hundred  thousand and  the rest will be given after your work is done."

Nanlaki ang mga mata niya. 

"No sex involved. I may have to hold your hand or kiss your cheek and maybe  give you a peck on the lips occasionally pero hanggang  gano'n lang. My personal shopper will take care of your clothes and other needs. Lahat nang ibibigay ko sa'yo   consider them as yours," he said casually na para bang walang kwenta dito ang pera.

Her brain is working overtime. The offer seems too good to be true pero hindi siya tanga para hindi pumayag. Malaking halaga ang inoofer nito. 

"You don't have to decide now if you are not yet ready but I do hope you accept Miss Andrada. I will have a contract prepared para mapanatag ang loob mo,"  he added.

"Okay you got a deal," she found herself saying.

His eyes  squinted for a while but then his face lightened  and  a small but sexy smile broke  his lips.


***

"You and your stupid ideas will put our brother in trouble, " naiiling na sabi ni Jake.

Ngumiti lang nang malapad si William. "What trouble?"

"Who in his right mind would make a bet like that? Sobrang stressed o bored  yata si Thomas to even agree to do such a thing." 

"Simple lang ang dahilan bro! Wala pang umayaw sa kapatid natin at gusto niyang patunayan na hindi exemption si  Kim Andrada kaya pumayag siya. Basta pumupusta ako na hindi niya mabobola si Kim. Mukhang palaban eh.  Sa tingin ko  nakahanap na ng katapat ang kapatid natin," natatawang sabi ni William.


Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon