Hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin sa best friend niya ang tungkol kay Thomas. Kailangan niya ng kausap dahil pahirap ng pahirap ang sitwasyon na pinasok niya na akala niya noong una ay solusyon sa problema niya. Kahit sinabi na niya kay Wesley, hindi naman niya gustong marinig nito ang lahat ng himutok niya. Halos lumuwa ang mga mata ni Shaira.
"As in seryoso ka Kim? Pumayag ka talaga sa ganoong klase ng kasunduan?"
"Nasa huli ang pagsisi. Hindi ko kasi dapat kinalimutan 'yon. Alam ko mali..."
"Hep! Sandali!" sabat nito, "hindi ko sinasabi na tama pero hindi rin naman totally mali kasi siya ang nag-offer sa'yo at sa totoo lang, ang mag-offer ang isang lalake na kagaya niya, mahirap talagang tanggihan. Kilala ko ang Thomas Herrera na sinasabi mo! Sikat ang Herrera brothers! Bukambibig sila ng mga kasama ko sa dorm. Hindi ko lang sila nachichika sa'yo dahil alam ko hindi ka intresado sa mga tipo nila. Kaya nagulat lang ako na umoo ka dahil kilala kita. Hindi ko na itatanong magkano ang ibinayad niya sa'yo. Ang concern ko lang ay kung ang pera ba talaga ang dahilan kaya ka pumayag o may iba ka pang rason? Huwag mong sabihin na kagaya ng maraming babae, na-fall ka on first sight sa isa sa mga Herrera brothers? " nakataas ang kilay at pigil ang ngiting tanong nito.
Tumaas ang kilay niya, "Akala ko ba kilala mo ako? Alam na alam mo na ang priority ko ay mapatapos si Wesley ng college. Naisip ko rin na pwede pa akong makahabol this sem. Sobra-sobra na ang perang ibinayad sa akin ni Thomas."
Tila nabawasan ang bigat na nararamamdam niya sa sinabi niya. Kailangan na mag-focus na lang siya sa magandang maiududulot sa pamilya niya at sa kanya nang pera mula sa lalaking 'yon.
"To be honest wala naman akong masamang nakikita sa kasunduan niyo. If hahalikan ka man ni Thomas o hahawakan ang kamay, isipin mo na lang na artista ka at kailangan 'yon sa eksena. Ang mali doon ay kapag lampas pa roon ang mangyayari na alam ko na hindi mo hahayaan."
Napaisip siyang bigla. Totoo naman kasi ang sinabi nito.
"Actually ang dami ngang magandang pwedeng mangyari kagaya ng ma-develop kayo sa isa't-isa dahil hindi imposible 'yon. Binata siya, dalaga..."
"Hindi ko siya gusto at hindi kami bagay," maiksing sabi niya.
"Ano bang hindi bagay ang sinasabi mo? Sa pag-ibig walang bagay-bagay! Ang pinakamahalaga ay mahal niyo ang isa't-isa," malapad ang ngiti na sabi pa nito.
"Kailan ka pa naging love guru?" natatawang tanong niya.
Nawala ang ngiti nito nang napagawi ang mga mata sa likuran niya. Napalingon tuloy siya.
Ano ang ginagawa ni Ryan dito?- tanong niya sa sarili.
Naiiling na tinignan niya si Shaira na nakatingin na rin sa kanya.
"Sinabi mo ba na magkikita tayo dito ngayon?" pabulong na tanong nito dahil palapit na ang binata sa lamesa nila.
Umiling lang siya, "Secret natin 'yong kanina ha?" mabilis na paalala niya sa mahing boses din.
Tumango ito bago lumapad muli ang ngiti na bumati kay Ryan. Narinig niyang sumagot ang binata pero kakaiba ang tono nito. Siya naman ang binati nito bago nito inokupa ang bakanteng upuan sa tabi ni Shaira para magkaharap sila. Tumingin siya dito. Bakas ang lungkot at sa mukha at mga mata nito. Malakas ang kutob niya na hindi ito naniniwala sa sinabi niya sa telepono dito tungkol sa nakita nito noong isang gabi.
"Teka ang ha? Maiwan ko muna kayo. May titignan lang ako sa grocery sa kabila. May pinapabili ang inay," sabi ni Shaira bago ito tumayo.
Sumenyas pa ito sa kanya bago umalis. Si Ryan naman walang reaksiyon. Basta lang ito nakatingin sa kanya. Inihanda niya ang sarili sa mga itatanong nito. She straightened and took a sip of her pineapple juice. Hindi naman siya obligado na sabihin dito ang totoo kung tutuusin kaya wala siyang dapat ipangamba. The less people who knew about the real situation, the better.
"Hindi ko man gusto ang nangyari Kim pero wala naman akong magagawa. Pinipilit kong intindihin kaso ang hirap. Aaminin ko na sobrang apektado ako at alam mo naman kung bakit."
Nagkaguhit ang noo niya. She felt that he was overreacting. Mula sa pag-uusap nila kagabi, alam naman niya na hindi nito nakita ang eksena kung saan sinalo siya ni Thomas. Nakita niyang sa kabilang side ng restaurant nagpunta ang mag-ina noong gabi na 'yon.
"Sorry Ryan pero hindi ko alam kung bakit ka kamo sobrang apektado? Sabi ko sa'yo kliyente ni Tita Linda ang mama ng mga Herrera. Pag-alis niyo, dumating si Ellen at Tita Linda."
"Alam ko na ang totoo."
"A-anong totoo?"
"Sinabi sa akin ni Wesley ang totoo Kim. Pumayag lang magpanggap na nobya ni Thomas Herrera," may hinanakit na sabi nito.
Muntik na niyang matampal ang noo. Hindi niya dapat kinalimutan na boto ang kapatid kay Ryan. Hindi man nito sasabihin sa ina nila ang totoo, kay Ryan hindi ito mag-dadalawang isip na magsabi. Dati naman kasi maingat siya sa mga ginagawa at sinasabi niya pero nagbago ang lahat mula ng magkrus ang landas nila ni Thomas. Hindi niya maitatanggi na akma na naman ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. She should have kept it from Wesley too. Pero nangyari na kaya wala na rin namang mangyayari kung pagsasabihan niya ang kapatid.
"Pati ang pagkikita namin ni Shaira ngayon sinabi niya rin sa'yo?"
Hindi ito sumagot. Humugot siya ng malalim na hininga. Nagbago ang isip niya. Mukhang kailangan niyang kausapin si Wesley. Narinig nito ang pagpapaalam niya sa nanay nila na kikitain niya si Shaira. Ayaw niyang isipin na magiging spy ni Ryan ang kapatid.
"Wala akong dapat ipaliwanag," sabi niya sa malamig na boses.
She didn't want to be bitchy but she had no choice. Kailangan niyang maging defensive. Ryan after all was just her suitor. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila.
"Kim nag-aalala lang ako sa'yo. Hindi ordinaryong tao ang mga Herrera. Baka sa huli..."
"Alam nating dalawa na kaya ko ang sarili ko."
"Natatakot ako..."
The loud ringing of her phone sounded. Saved by the bell siya.
"Tumatawag si Tita Linda," sabi niya bago sagutin ang telepono.
Napasandal na lang si Ryan. Ilang minuto rin silang nag-usap ng boss niya na si Linda at nang matapos ang phone conversation nila, nakayuko si Ryan na tila ba pasan nito ang mundo. Kailangan na talaga niyang intindihin na lang ito. Matagal na siyang sinusuyo nito at nag-aalala talaga ito dahil takot na maungusan ito ng ibang lalake lalo na ni Thomas.
"Wala kang dapat ikabahala..." she began but was cut short.
"I strongly disagree!"
Napaawang ang bibig niya nang marinig ang malamig pa sa niyebe na boses ni Thomas.
( a few minutes ago)
Thomas and William were about to meet a new client when the former had a call. Hindi na kinailangan na tanungin ni William ang kapatid kung sino ang kausap nito pero curious talaga siya kung sino ang pinapasundan niya sa driver/ bodyguard ng mama nila.
"I know the place. It's around this area somewhere. Sige pwede ka nang umalis. My mother will probably need you in an hour." malamig na sabi nito kay Lester.
"And who are you having watched bro? Since when did you develop that habit?" natatawang tanong ni William.
"I don't hire incompetent employees. I never want to waste money on them," Thomas said with a clipped tone as the car picked up speed.
"Wait bro! Sorry but I don't follow you," litong tanong ulit nito.
"You don't have to! " tiim-bagang na naka-focus lang si Thomas sa kalsada.
Magtatanong pa sana si William pero pinili nito na tumahimik na lang. He knew when his brother was pissed. He was definitely feeling that way now. Ayaw nitong mabuntunan ng galit.
"Whoever that employee you are talking about bro, I feel sorry for him," komento na lang nito na may kasamang palatak.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...