Nagtagis ang mga bagang niya sa narinig. Hindi 'yon dahil sa huling sinabi ni Thomas. 'Yon ay dahil sa malakas ang kutob niya na si Franchesca ang may kagagawan ng pagkawala ng marriage certificate nila. Walang hindi gagawin ang desperadang babae na 'yon. Nagulat siya nang kuhanin ni Thomas ang kamay niya at hinila siyang palabas. Naglalaban ang damdamin niya. Isang bahagi niya ang nagsasabi na huwag siyang sumama at magpakasal uli dito. Ang isang parte naman nag-uutos na gawin na lang ang gusto nito. 'Yon ang pinakamagandang ganti niya kay Franchesca. Ang tuluyan na itong mawalan ng pag-asa sa lalaking kinababaliwan nito. At naniniwala siya sa sinabi ni Thomas na wala naman siyang kawala na dito kaya papayag na lang siyang magpakasal uli dito. Pero nang buksan nito ang pintuan, doon siya pumalag.
"Sandali!"
Imbes na pakawalan, mas hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya. Singkit ang mga mata na hinila siya nito palapit sa katawan nito.
"What?! You know f*cking well that we will have this second wedding ceremony like it or not!" puno ng kompiyansa na sabi nito.
Naningkit din ang mga mata na sinalubong niya ang titig nito.
"Gusto ko nandoon si Franchesca," walang kurap na sabi niya.
Kumunot ang noo nito, "What the hell for?"
"Para makita niyang ikinakasal tayo. I want her to writhe in pain. Sa dami ng atraso sa akin ng kinakalantari mong babae noon, kulang pa nga 'yan sa gusto kong iganti sa kanya!" she said through clenched teeth.
Nakita niya ang kislap na gumuhit sa mga mata nito. He then loosened his hold and she was relieved. Inilayo niya ang katawan na may tamang distansiya sila.
"Are you thinking what I am thinking darling? Franchesca did it. She paid someone to steal the marriage certificate," malamig pa sa niyebe na sabi nito.
"Marami pa siyang ginawa pero wala na tayong oras. I will tell you everything later. Not unless ayaw mong matuloy ang kasal natin?" nakataas ang kilay na tanong niya.
Kagaya ng inaasahan niya, nagmura ito ng malutong.
"Ay!"napahiyaw siya.
He shoved her inside the vehicle and buckled her up quickly with his jaw clenched. She knew she pressed his buttons again. Humigit na lang siya ng malalim na hininga at sumandal. She has been edgy these past few days. Malaking factor si Aling Carmen at Franchesca kaya ramdam niya na abnormal ang mga nakalipas na araw. She is praying that this second wedding ceremony would at least change that. Aminin man niya o hindi, nakakaramdam siya ng seguridad kapag kasama niya si Thomas. A feeling of something close to love rushed over her but she would rather die than to confess it to him any time soon. The feeling should be mutual before she will pour her feelings to him.
Pagkapasok nito sa sasakyan, matapos buhayin ang makina, inilagay nito ang telepono sa cell phone holder na nasa dashboard. Habang nagmamaniobra para makalabas sa parking, inutusan nito ang voice assistant na tawagan si Franchesca. Nakakailang ring na ito pero hindi pa rin sumasagot ang babae. Tinapunan siya ng tingin si Thomas.
" I don't think it's possible at the moment to let her come to the ceremony darling. I can always send the video to her. Besides, it's better if she won't be there. I know that she will definitely make a scene," sabi nito sa malamig na boses bago nito inialis ang mga mata sa kanya.
Nagkibit na lang siya ng balikat. Tama rin ang sinabi nito. It was a spur -of- the- moment decision and thankfully the b*tch didn't pick up. Besides, alam niya na kaagad naman malalaman nito o mapapanuod ang kasal nila kaya ayos lang din sa kanya. Wala naman itong pinapalampas na pangyayari basta tungkol sa kanila ni Thomas. Pihadong nagkalat ang mga galamay nito na nakamasid sa kanila.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...