Chapter 6

11.8K 349 8
                                    


 Ramdam niya na  gigil na gigil si Thomas dahil sa napakadiin ng pagkakalapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Ilang segundo na natigilan siya bago niya inipon  ang lahat ng lakas   para itulak ito.  Sa una ay hindi man lang niya matinag ito pero niluwagan nito ang hawak sa kanya kaya nakawala siya. Ubod lakas na sasampalin sana niya ito pero nasalo nito ang kamay  niya.  Their mouths were less than an inch away from each other at pareho silang naghahabol ng hininga.

"I warned you not to slap me again!" sabi nito  na nagtatagis ang bagang.

"Hinalikan mo akong manyakis ka! Walanghiya ka! Wala sa usapan natin 'yon!" galit  na sabi niya habang pinipilit na kumawala dito. 

"Because you disappoint me! I hired you to be my fake girlfriend because I thought you are different!"

"At ano ang ibig mong sabihin? Ikaw ang nagpumilit na idamay mo ako diyan sa kabaliwan na gusto mo tapos pagsasalitaan mo ako ng ganyan? Sa dami ng pera mo kahit sampung  psychiatrist  pwede mong bayaran para magamot yang saltik sa utak mo! Ano ba ang ginawa ko ha?!" halos pasigaw na tanong niya.

Habang tumatagal lalong lumalalim ang inis niya sa guwapong milyonaryo na sa malas ay may tama  yata sa utak. Naningkit ang mga mata nito ng ilang sandali bago ito nagsalita ulit. His lips were barely moving.

"Watch your mouth darling because  you don't want to see me  act like a lunatic out of rage. Papalampasin ko ngayon ang sinabi mo pero sa susunod, may parusa ka na. Now buckle up because we have a reservation at 7. Kailangan ka pang bihisan ni Chona. Don't even think about getting off the car because I will do something that your nosy neighbors will talk about for days," banta nito bago tapunan ng tingin ang labas ng bintana.

Hindi na niya kailangang lumingon sa bintana  na nasa likuran niya dahil alam naman niya na mas lalong dumami ang mga usyosero na nagmamasid sa nakatigil na sasakyan. Mabuti na lamang at heavily tinted ito. Mamatay na sa kuryosidad  sa kung ano ang nangyayari sa loob ang mga tsismosang kapitbahay nila lalo na si Maritess.

She felt relieved when Thomas straightened. Halos idikit na niya ang braso sa pintuan ng kotse para  lumaki ang agwat sa pagitan nila. Matalim na matalim ang titig niya  rito habang nagmaniobra ito para ilabas ang sasakyan sa parking. Tinapunan siya nito ng tingin.

"I told Chona that you are either size zero or size two. I hope tama ako. And is your shoe size six?" kaswal na tanong nito na para bang walang kakaibang eksena ang nangyari ngayon-ngayon lang.

Tumaas ang isang kilay niya. Halatang eksperto ito sa mga babae. Imbes na sagutin ito, humalukipkip siya at dumiretso ng upo para ialis ang mga mata dito. 

"Ayaw kong magpalit ng damit o sapatos. Kung ikakahiya mo ako dahil sa suot ko pwede mo nang ibalik ang sasakyan," malamig na tugon niya.

Hinintay niya ang sagot nito pero nabigo siya. Pinigilan niya ang sarili na lingunin ito dahil curious siya sa expression ng mukha nito lalo na at hindi nito kinontra ang sinabi niya.

"I will let you have your way tonight. But must I remind you na ilang araw lang ang pagpapanggap mo na girlfriend ko kaya after tonight, ako ang masusunod kung ano ang isusuot mo. I gave  my personal shopper a bonus  this month to choose appropriate clothes for you so the least you could do is wear them," sabi nito sa malamig na boses.

" Alam mo naman dati pa na hindi ako galing sa mundo mo kaya hindi ko na problema kung wala kang tiwala sa taste ko sa damit na ikinakadismaya mo. Pero huwag kang mag-alala,  hindi ako sisira sa usapan. Nagkataon lang na ayaw kong magpalit ngayon dahil  gusto ko lang na matapos na agad ang gabi na ito. At para lang sa kaalaman mo, kung disappointed ka sa akin, ako rin dismayado sa inasta mo kanina.  Kung hari ka sa opisina mo at sa lugar niyo, dito sa lugar namin, wala kang karapatang umasta ng akala mo kung sino," kalmado ang boses niya  kahit halos manginig na siya sa inis.

Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon