Dahil hindi siya nagulat sa sinabi nito, hindi nagbago ang expression ng mukha niya. Alam niya sa sarili na hindi sinsero ito pero hindi siya dapat magpahalata. Ilang segundo na nakangiti ito ng bahagya habang nakatingin sa kanya pero nawala rin ito nang hindi siya nagsalita o nagpakita ng excitement. He straightened and slowly released her hands.
"Darling? I just told you how I feel. Aren't you gonna say anything?" kunot ang noong tanong nito.
"Sorry if you feel that way but I can't say the same thing. Pumayag ako na maging tayo kasi wala naman akong choice. Alam naman natin pareho 'yon hindi ba? Pinoproseso pa lang ng isip ko ang mga nangyayari kaya hindi pa kasali ang puso ko. Ayaw kong magsinungaling sa'yo pero napag-aaralan naman lahat, " biglang bawi niya dahil ayaw niyang magalit ito at ma-praning na naman. Nilakipan pa niya ng tipid na ngiti ang sinabi niya.
Ilang sandali na nakatitig lang ito sa kanya. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga kamay nito na nasa lamesa.
"Hindi ka mahirap mahalin darling," pabulong na sabi niya.
He seemed to have spaced out a little but when she squeezed his hands, she saw a glint in his eyes then slowly, a small smile appeared on his lips again. Muntik na siyang mapasinghap nang sinakop ng mga kamay nito ang kanya . Pigil ang hininga na nakatitig siya sa mga mata nito habang ito naman ay nakatingin sa mga labi niya na bahagyang nakaawang. She felt thankful that they have the table between them because if not, he would have pulled her to him for a passionate kiss. The thought sent electricity in her body which she didn't welcome.
"I don't mind waiting darling as long as you are a good girlfriend. And you better tell that heart of yours that you belong only to me. You have to get used to my possessiveness. If you're still at the stage of loving me, you need to accept the fact that I can do inhumane things to whoever crosses the boundary and you will not make that an excuse not to love me. You have to love all of me and I am going to do the same with you. I will be a very good boyfriend but don't give me any reason to be angry. There won't ever be any cool off or break-up in this relationship. And never forget that you are never going to leave me again ever, " he said in a cold voice.
Naramdaman niya na mas humigpit ang hawak nito sa mga kamay niya.
"Okay," maiksing sagot niya kahit marami pa siyang gustong sabihin.
Then he raised her hands and kissed her right palm. . She swallowed when she felt his tongue touched her skin.
We'll see kung makakatagal ka sa mga gagawin ko! she thought to distract herself.
***
"Sorry talaga Ric," sabi niya sa mahinang boses kahit alam naman niya na nasa sala ang spy mic.
"You don't have to apologize. Dapat mag-complain ka sa manager ng hotel."
"Hindi na. Okay na naman ang pakiramdam ko. Nabigla lang ang tiyan ko."
"Gusto mo ba na dalhan kita ng saging at mansanas? " may pag-aalalang tanong nito kaya medyo naguilty siya.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang nagawa ang magsinungaling ng ganito dahil kay Thomas. Umupo siya sa gilid ng kama.
"Salamat pero hindi na. It's already a bit late. Anyway meron pa naman ako sa fridge. Kailangan ko lang magpahinga. Bukas maaga na lang akong papasok. Pasensiya ka na talaga."
Narinig niya na bumuntong-hininga ito pero hindi na ito nagsalita uli.
"Salamat Ric sa pagtawag. Huwag kang mag-alala, ayos na ang pakiramdam ko. See you at the office tomorrow."
She ended the call. Hindi na niya hinintay na sumagot ito dahil nakokonsensiya talaga siya. Kumunot ang noo niya nang biglang may tumatawag sa kanya. May pakiramdam siya na si Thomas kaya nag-dalawang isip siya na sagutin ang tawag. Binitawan niya ang telepono at nagpasiyang maligo na lang muna. Anyway kung importante ang sasabihin ng kung sino mang caller na 'yon, tatawag uli ito. Kailangan niyang ma-refresh ang isip at katawan.
She settled comfortably in the bath with jasmine scented bath salt. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nakababad. Nakaramdam na lang siya ng panlalamig kaya naisipan niyang umahon na. Ibinalot niya ang katawan sa puting tuwalya matapos magpunas. The towel goes below her knees. Pagkaharap niya sa salamin, inalis niya ang shower cap at sinuklay ang lampas balikat na buhok ng mga daliri. She smiled at her reflection. She is glowing from the bath. Natunaw ang pagod at stress niya. Thomas being too attentive and sweet for several hours to her wasn't to her liking. Kahit may bahagi sa kanya na ramdam na sinsero ito sa mga ginagawa, may mas malaking parte ng utak niya ang sumisigaw na palabas lang ang lahat. She shrugged her shoulders. Hindi siya masyadong apektado dahil kaya naman niyang hindi mahulog sa bitag. Pero dasal niya na matapos na sana ang lahat dahil gusto na niyang bumalik uli sa normal ang buhay niya.
Hindi siya tanga para gustuhin ang kagaya ni Thomas kahit gaano pa ito kaguwapo at kayaman. Alam niya na babaero ito at mahirap magbago. She is better off without such a man. Kailangan niya talaga na gawing mas madalas at matindi ang pang-iinis dito para ito na mismo ang lumayo sa kanya.
"Tanggapin ko na kaya ang alok niya?" biglang bulong niya sa sarili pero ilang sandali lang umiling siya at tumawa ng mapakla.
A marriage certificate is not an assurance na magtitino ito. Makakaganti man siya dito dahil pwede niyang kasuhan ito sa pambabae nito kung kasal , hindi pa rin niya pipiliin 'yon. With marriage comes honeymoon and sex with him regularly. Ayaw niyang ibigay ang sarili sa lalaking 'yon kahit pa gusto niyang gantihan ito. She is saving her heart and body for someone who truly loves her and would want to grow old with her.
"And that's not Thomas Herrera!" she mumbled to herself as she went out of the bathroom.
Nag-iingay pa rin ang cp niya nang lumabas siya. Tumaas tuloy ang kilay niya. Hindi ba tumigil ang caller sa pagtawag kahit may katagalan siya sa banyo? With a sigh, she walked to the bed. Nakita niya na unregistered number pa rin ang nag-faflash.
With a frown, she got her phone. "Hello?"
"Kim? Si William ito. Sorry to bother you at this time. Nagtext ako sa'yo kanina pero hindi ka nagreply. Pinatawagan ka ni mama. Pwede ba daw kayong mag-usap bukas?"
Kahit naguguluhan, umoo na lang siya.
"Sige sasabihin ko sa kanya. Lumabas kasi siya kasama si Tita Divine. Tawagan kita uli bukas. Thanks and good night."
"Good night," mahinang sagot na lang niya.
Mas lumalim ang kunot sa noo niya nang mapansin na magkaiba pala ang numero na tumatawag sa kanya. May nakita siyang text kaya pinindot niya ang read. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone nang biglang bumukas ang pintuan.
"What the hell were you doing?! I have been calling and texting you! Kausap mo ba ang boss mo?!" galit na tanong ni Thomas.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya ang bitbit nitong tila overnight bag. Bago pa siya makapagtanong nagsalita uli ito.
"I will stay the night to make sure you're not doing anything I dislike! Tomorrow you will move in with me!" he rasped as his eyes moved from her face down her chest.
Her hands automatically covered her breasts under the towel.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...