Chapter 15

9.5K 334 12
                                    


"Bro joke lang! Pikon ka namang masyado!" nakangising sabi ni William nang akmang kukuwelyuhan ito  ni Thomas.

Ayaw nitong  mag-away sila ng kapatid. Kilala nito  si Thomas. Tahimik pero mainitin ang ulo at walang kapakapatid dito lalo kapag ginalit ito kagaya ngayon.

"That wasn't funny at all!" inis na isinuklay nito ang mga daliri sa buhok.

Kumunot ang noo ng dalawa nang may marinig ang mga ito na ingay. Lumabas ang mga ito nang may pagmamadali.

"Layla tama na!" awat ni Derek sa nagwawalang babae.

"Halika dito malandi ka!" Pilit nitong sinusugod si Kim na gulat na gulat.

"Anak ng...!"  boses ni William na mabilis na pinuntahan si Kim na nakaupo sa sofa habang nakaawang ang bibig.

"Siya ang dahilan kaya ka nakipagbreak sa akin? Kakalbuhin ko ang malanding yan!" pagwawala pa ni Layla. 

"STOP IT LAYLA!" dumagundong ang boses ni Thomas habang mabilis na pumasok ," I got her!" galit na  sabi nito kay William na itatayo sana si Kim.

"Magkakasabwat pa talaga kayo ano? Nasa dugo niyo talaga ang pagiging babaero! At ikaw namang malandi  ka...!"

"I said stop it! Girlfriend ko si Kim for Pete's sake Layla!" pigil ang galit na sabi ni Thomas. Lumingon ito  kay Kim na tila naguguluhan pa sa mga nangyayari, "Are you alright?" tanong nito na kunot ang noo.

Bahagya siyang tumango. Ito ang unang pagkakataon na sinugod siya ng ganito kaya hindi  niya alam ang gagawin at sasabihin.

"Labas na muna tayo Derek..." sabi ni William.

"No! You all stay here! Kami ang aalis! You better pull yourself  together Layla! I won't have you causing trouble here  again! We will talk later Derek!" malamig na sabi nito sa pinsan.

Ni hindi na nila hinintay ang sagot ng mga ito dahil hinila siya ni Thomas. 

"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang  napansin niya na papasok sila sa elevator imbes na tumuloy sa opisina nito.

"Zip it!" 

Tila nag-init ang mukha niya sa sinagot nito. Pilit niyang binawi  ang kamay pero mas humigpit ang hawak nito. Nang bumukas ang elevator, wala itong sinayang na sandali. Hinila siya nito sa loob.

"Wow! Ikaw pa talaga ang galit ha?!  Matapos mo akong iwanan...hmp!"

Hinila ni Thomas ang batok niya at hinalikan siya ng mariin sa labi. Wala siyang nagawa sa gulat. Nang matauhan siya itinaas niya ang  kamay para itulak sana ito pero tinapos nito ang  halik. Naghahabol ang hininga na nakatingin lang ito sa kanya. Halata na nagpipigil ito ng galit. She raised her hand to slap him but he caught it. 

"Don't you dare do it darling or you will  really see my dark side!" pagbabanta nito habang nag-aapoy ang mga mata nito sa galit.

"Don't call me darling! Subukan mo akong halikan ulit para makita mo  rin kung ano ang pwede kong gawin sa'yo!" galit na sabi niya bago marahas na binawi ang kamay.

"Bring it on  my Kim. Be my guest," nakangising sabi nito na  mukhang hahalikan na naman siya kaya nanlaki ang mga mata niya.

Sakto namang bumukas ulit  ang elevator.

"Good afternoon Sir Thomas," bati ng isang babaeng staff na pasakay naman at tumango naman ito dito.

Nagpasalamat siya na hindi natuloy ang balak na namang paghalik nito sa kanya. Matapang niya itong binantaan  pero wala siyang kumpiyansa sa sarili  na mapipigilan niya ito. He was all muscles pero kailangan niyang mas maging handa sa susunod.

"Ano ba?!" angal niya nang sa braso naman siya nito hinawakan para  hilahin na naman pero parang wala itong narinig.

Naniningkit ang mga mata na hinayaan na lang niya ito. Mabuti na lang hindi mataas ang takong ng sapatos niya kung hindi matatapilok talaga siya. Natanaw niya na malapit na sila sa kotse nito pero wala pa ring pagbabago sa laki at bilis ng mga  hakbang nito.

"Sandali lang!" reklamo niya at  napahiyaw siya ng naramdaman niyang bumigay na ang takong ng sapatos niya.

"What?!" inis na tanong ni Thomas matapos nitong tumigil sa paglalakad para lingunin siya.

She felt helpless! Nakakahiya na nasiraan na naman siya ng sapin sa paa. 

Kapag nga naman minamalas ka sunod sunod! Inis na ngitngit niya sa sarili.

Pero napalitan ulit ng galit ang kahihiyan na nararamdaman niya nang naiiling na nagmura ito. Ibubuka sana niya ang bibig pero bigla na lang siya nitong isinampay sa balikat  nito  bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ibaba mo ako!"

"Open your mouth again then see what I will do!" he threatened and before she knew it, she was thrown into the backseat of the car.

Galit na umupo siya habang paulit-ulit na minumura si Thomas na umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan. Sinubukan niyang buksan ang pintuan pero naka-lock ito. 

"Don't waste  your energy!" malamig na sabi nito   pagkasakay bago iswitch-on ang makina at magmaniobra. 

"Siraulo ka talaga! Ibaba mo ako!" gigil na gigil na utos niya.

"Keep silent or you will put our lives in danger!"

"Ako ba ang nagmamaneho para sabihin mo yan?"  napasigaw siya sa gulat nang bigla itong nagpreno at galit na lingunin siya.

"I am about to explode so don't  f*cking fuel my anger! If you keep on distracting me, we might hit the headline later if we get into a car accident!"  pananakot  nito.

Kahit gusto pa niyang sumagot pinili na lang niyang sumandal at humalukipkip. Tama naman ang sinabi nito. Ayaw naman niyang may mangyaring masama sa kanya na ito pa ang kasama niya. Pero mamaya makakatikim talaga ito ng maaanghang na salita sa kanya. Kung hindi niya masasaktan ito ng pisikal, ang tulis ng dila niya ang aatake dito. Pumikit na lang siya para hindi niya makita kahit ang likod ng ulo ng lalaking walang puso. Hindi niya namalayan na nakaidlip  pala siya. Narinig na lang niya ang boses ni Thomas na gumising sa kanya. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata. Napamulagat siya  nang katabi na pala niya ito at  sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Naamoy niya ang mabangong hininga nito na lalakeng- lalake ang amoy. Tila nawala ang galit niya dito kanina. Nahipnotismo siya ng napakaguwapo nitong mukha. Isama pa ang lagkit ng pagkakatitig nito sa kanya.

"We're here darling," he murmured.

Napakurap siya ng hawakan  nito ang magkabilang gilid ng mukha niya. Gusto niyang magsalita pero parang hindi naman niya maibuka ang bibig. 

"I'm sorry if I acted like a brute. Did I hurt you?" pabulong na tanong nito na may bahid ng pag-aalala sa boses.

Napailing na lang siya habang hindi niya maialis ang  mga mata rito. Nagulat siya sa side na ito ni Thomas. Nakaka-umid ng dila ang nasasaksihan niya ngayon. He was the exact opposite of the Thomas Herrera she hated.

"I don't want to see you with Derek. Kung ayaw mo akong magalit iwasan mo siya. Believe it or not my Kim,  I don't want us to bicker. Please stop defying me.  Can you promise that to me darling?" pakiusap nito sa kanya.

"S-Sige..." mahinang sagot niya. 

Sumilay ang magandang ngiti nito at mas inilapit pa nito ang mukha. Napapikit na lang siya dahil alam niyang dadapo ang mga labi nito sa mga labi niya.

" Thomas..." she uttered his name huskily.

"Yes?"  sagot nito.

Napadilat siya pero gusto niyang pumikit ulit sa kahihiyan. Nakatayo si Thomas sa labas ng sasakyan habang hawak ang nakabukas na pintuan. 

"Well I'll be damned! Are you dreaming of me my lovely minx?" nakakalokong tanong nito with that sexy grin of his.


Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon