"That was another successful meeting! Congratulations! Lucky charm ka talaga ng agency!" nakangiting sabi ni Mr. Samson ang may ari ng Bliss Travel Agency.
She smiled and said thank you. "I owe you a lot. Ikaw ang unang nagtiwala sa akin. I'm just returning the favor."
Tumango-tango ito habang malapad pa rin ang ngiti. "I never regret hiring you and letting you help me manage this agency. Tama si ate Elvie . Napakasipag mo talaga and I love it that you are a go- getter. You remind me so much of my wife," dagdag nito pero sa malungkot na boses.
Nakagat niya ang ibabang labi. Alam niya kung gaano kamahal nito ang asawa na may halos isang taon na rin namang namayapa. Napakabait nito sa kanya pati ang mga kamag-anak nito. Napabayaan nito ang mga negosyo kasama ang travel agency simula ng mawala ang asawa nito. Bago pa siya gumradweyt ng tourism, inirekomenda na siya dito ni Mrs. Elvira Cortez, and dean ng college nila at kapatid ni Mr. Enrique Samson, ang boss niya.
"S-sir..."
Nagbuntung-hininga ito bago ngumiti ng tipid. "It's okay Kim. Pasensiya ka na. Even moments like this I always think about Irene. By the way, hindi ba sabi ko naman sa'yo na outside the office you can call me Ric? Para namang ang tanda-tanda ko when you call me sir," sabi pa nito habang lumapad na uli ang ngiti.
Natawa siya ng mahina. Tama naman ito. Pitong taon lang ang tanda nito sa kanya. May hitsura rin ito at ilang beses na silang napagkamalang mag-nobyo. Ang pinakanagustuhan niya rito ay hindi ito kailanman nag-take advantage sa kanya so she feels comfortable with him.
"Sorry about that. I just got used to it. Anyway thank you for the nice dinner and for taking me home and congratulations to us...Ric," nakangiting sabi niya.
"As a reward for your hard work, hindi ko na hahayaan na tanggihan mo ang company car. Next week, you will start your driving lessons."
***
Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang iniikot niya ang mga mata sa unit niya. She lives on the fifth floor of a condominium in the heart of the city. Napakalaki ng nagbago sa buhay niya makalipas ang halos dalawang taon. Sipag, tiyaga, swerte at maraming dasal ang kinailangan niya para makamit ang buhay na meron siya ngayon. Physically and personality wise, mas nag-improve siya. She gained enough confidence and self-esteem. Sabi ni Shaira at Wesley na regular niyang nakaka-video call kahit patago, mas gumanda raw siya. Bagay sa kanya ang mas maiksi na buhok at ang porma niya sa pananamit ngayon which is more smart casual. Bilib na bilib din ang mga ito sa pagsasalita niya. Nag-Eenglish na siya madalas at inaral niya talaga na magkaroon ng neutral accent lalo at may mga foreigners silang mga kliyente. Hindi man siya naging flight attendant, assistant manager naman siya ng isa sa mga pinakasikat na travel agency sa Davao.
"Life is good!" nakangiting sabi niya sa sarili bago tumayo para mag-shower.
Hindi siya nakakaramdam ng antok kahit pasado alas nuwebe na. Marahil dahil buhay na buhay pa ang adrenalin sa katawan niya. She was able to close a good deal. Mga turistang hapon ang gagawan nila ng itinerary. Biglang nag-ring ang telepono niya. Kunot ang noong kinuha niya ito sa lamesa.
"Ric?"
"Naistorbo ba kita Kim?"
"Hindi naman. Is there a problem?" tanong niya. May mahigit isang oras na silang naghiwalay.
"You forgot your planner in the car," tila nakangiting sabi nito.
Natutop niya ang noo. Kailangan pa naman niya 'yon and tomorrow is a Saturday kaya wala silang pasok.
"Is it okay if I pick it up at your home tomorrow? Paki-iwanan mo na lang kay ate Sonia," pakiusap niya.
"I have a better idea. Why don't you join us for lunch? Magkikita kami ni ate Elvie. Please come so you can meet her. Matagal na rin yata noong last kayong nagkita."
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...