Chapter 44

6.4K 230 17
                                    


Saved by the bell siya dahil  may kumatok. Lumayo siya  na ikinakunot ng  noo ni Thomas.

"Come in!"  bugnot na sabi nito.

"Sir nasa meeting room na po si Mr. Avanze."

Nagbuntong hininga ito at sinuklay ng mga daliri ang buhok. "Okay. Sige susunod na ako."

Isinarado uli ng sekretarya ang pintuan.

"Kailangan ko bang sumama?" tanong niya.

"No! You stay here!" sagot  nito sa malamig na boses. 

Hindi niya alam na wala itong tiwala sa kliyente nito na mahilig sa magagandang babae. Tumango na lang siya. Gusto niya ring mapag-isa muna. Akala niya lalabas na agad ito pero lumapit muna ito sa kanya. Hindi siya nito hinawakan pero ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha nila.  He lowered his head and she raised her face as usual. Kailangan na niya talagang  magsapatos na may  mas  mataas na  takong kung ayaw niyang palaging mangawit ang leeg at batok.

"We'll continue our talk later." He kissed her on the lips.

 Pumikit siya pero mabilis rin naman nitong tinapos ang halik.  Nang idilat niya ang mga mata, nakatitig ito sa kanya na nakangisi. 

"Sorry darling but  much as you want a passionate kiss, hindi pwede. Baka pumasok ulit si Miss Tolentino," sabi nito na mas  lumapad  pa ang ngiti.

Sinamaan niya ito ng tingin bago ito tumalikod sa kanya. Gustong-gusto niyang ibato  rito ang mga disposable food container na nasa plastik.  Medyo kumalma lang siya at nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyan na itong lumabas. Nakaramdam siya ng panghihina ng tuhod kaya umupo siya.

"Ano ba itong pinasok ko na ito?"  tanong niya sa hangin.

Nagkamali yata siya ng pagkakakilala kay Thomas Herrera.  Inakala niya na hindi ito ang tipo ng lalaki na gugustuhin ang mas malaking responsibilidad. Base sa mga nakita niya  ay mas mahalaga ang trabaho rito at kaya nagpakasal lang  ito ay para mas maging matatag ang estado nito na makakatulong sa negosyo. Pero hindi ba mas pabor sa kanya kapag nalaman na nito ang totoo? Pihadong hihiwalayan siya agad nito. A Thomas Herrera would want to be with a beautiful woman  who is a total package. Marami pang hindi alam ito tungkol sa kanya.  Humugot siya ng malalim na hininga. Mas inaalala niya ngayon ang sasabihin ng pamilya nito lalo na ng mama nito.  Dapat bago siya nagpakasal dito ay ipinagtapat na niya ang lahat kahit sa mama lang nito pero hindi niya maiwasan na mangimi. Hindi madaling sabihin ang ramdam niya ay kakulangan niya bilang isang babae. Tumayo siya. She needs to breathe some air.  Taas noo siyang lumabas ng opisina. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang mga babaeng empleyada na sinundan siya ng tingin. Wala siyang pakialam kung iniisip nito na feeling niya ay entitled siya kaya pwede siyang umalis kung kailan niya gusto.

When it rains, it pours. Nalaman niya na hindi siya anak ng nanay niya. Ngayon naman gustong magkaanak ni Thomas agad-agad. Napailing na lang siya.  Mas mainam na nga siguro na harapin na niya ang lahat. Tumawid siya ng kalsada at pumara ng jeep.

***

Kagaya kanina sa opisina, hindi niya alintana ang mga taong dinadaanan niya habang palapit siya sa  coffee shop kung nasaan si Shaira. Mabuti na lang pala na pagkatapos ng interview nito, nagpasiya itong magpalipas ng oras sa malapit na shopping mall. Nakita kaagad niya ito. Kumaway ito sa kanya.

"Dito na lang tayo?" tanong nito sa kanya bago siya naupo.  

Tumango lang siya. "Salamat sa paghintay mo sa akin," tipid na sabi niya.

Lumalim ang guhit sa noo nito. "Napansin mo ba ang mga lalaking tinatapunan ka ng tingin?" 

Ang noo naman niya ang kumunot. Umiling siya at ibinigay sa waiter ang order niya. Huminga ng malalim si Shaira bago nagsalita uli.

"You have a different aura now. Maaring mas madami ang maaakit sa'yo pero hindi 'yon makakabuti dahil may asawa ka na."

"Men should look past what they see. Paano kapag nalaman nila na   hindi ako   wife material?" may pait na tanong niya.

"Maganda, masipag, responsable ka paanong...?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin," malamig na sabi niya.

Ilang sandali na tila pinroseso nito ang sinabi niya.

"Kim,  madami ang paraan ngayon para mabuntis. Hindi naman sinabi ng doktora mo na hindi ka na magkakaanak. Bakit kasi nakikinig ka sa nanay mo."

Inialis niya ang mga mata sa kaibigan.  Ilang taon na ang nakalipas  nang kinailangan siyang operahan dahil sa endometriosis. Sinabi sa kanila ng doktor ang  epekto ng operasyon. Ito ay magkakaroon ng pagpepeklat na sanhi ng pagbara ng fallopian tube kaya mahihirapang magtagpo ang sperm at egg cell.  Kahit ganoon ang sinabi ng doktor, mas pinili pa rin niyang maoperahan kaysa mahirapan sa mga sintomas nito.  'Yon ang panahon na kasama pa nila ang ama niya na suportado silang magkapatid sa lahat ng bagay.

"Hindi ka pa ba naman sanay sa ugali at style ni Aling Carmen? Alam mo naman na si Wesley ang paborito noon kaya huwag mong masyadong sineseryoso ang mga lumalabas sa bibig ng nanay mo na 'yon patungkol sa'yo."

Ibinalik niya ang mga mata dito. "Hindi ko sinabi kay Thomas at sa pamilya niya ang kondisyon ko." 

"Palagay ko naman matatanggap nila. Ikaw lang ang kung ano-ano ang iniisip dahil sa panggagatong ng nanay mo. Isa pa sa dami nilang pera kayang-kayang solusyonan 'yang pinoproblema mo."

Natawa siya ng mapakla. "Wala akong pakialam sa magiging reaction ni Thomas. Ayaw ko lang isipin ng pamilya niya lalo ng mama niya  na sinadya kong itago ang totoo."

"Hindi naman siguro. Kausapin mo na sila at kung ano man ang outcome ng lahat wala naman ibang pwedeng gawin kung hindi tanggapin na lang."

Tumango siya. Hindi na muna siya nagsalita nang makita niyang palapit na ang waiter na may dala ng kape niya.

"Hindi ako anak ng inay," kaswal na sabi niya pagkaalis ng waiter.

Muntik nang maibuga ni Shaira ang hinigop na kape.  Nasamid ito kaya tumayo siya para tapikin ang likod nito at abutan ng  paper napkin. 

"Ano ba 'yon Kim? As in totoo ba?" tanong nito nang mapunasan na ang bibig.

"Oo. Ang gulo ng buhay ko 'no? Sino ang tatanggap ng buong-buo sa pagkatao ko at kondisyon ko?" naiiling na tanong niya.

"Ako."

Napalingon sila sa nagsalita.

"Ryan?" gulat na tawag nila ni Shaira.

Mas guwapo ito ngayon. Bagay dito ang may stubble at lumaki rin ang katawan nito. Naiiling lang na ibinalik ni Shaira ang mga mata sa lamesa habang nagtitigan lang sila ni Ryan. 

"Sinabi sa akin ng nanay mo ang tungkol sa operasyon mo noong unang  beses na dumalaw ako sa inyo. Hindi 'yon pumigil sa akin para ligawan ka. Ikaw lang sapat na para sa akin," seryosong sabi nito.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito.

***

"It is  my lucky day after all."

"Who's that woman  and that good-looking guy? Why are you secretly taking photos of them?"

She smirked and sighed dramatically as she checked the candid shots.

"A whore pretending to be a prude but obviously a gold-digger."

"Oh those kind of women are everywhere geez!"

"I know! Sadly, it's game over for that slut!" Franchesca  laughed lightly as she sent the photos to Thomas.





Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon