"Nice to meet you too Ric. Tawagin mo na lang akong Tita Divine. Hindi ka naman iba sa akin. I've heard so much about you from your sister. Don't worry, lahat good things," dinig niyang sabi ni Mrs. Herrera.
Nakatingin siya sa lamesa at diretsong-diretso ang upo niya. Paano niya matatakasan ang sitwasyon na ito? Pwede ba? Tama ba? Bakit nga pala siya tatakas kung sakali?
"Hello Kim."
Alam niya na may ngiti sa labi ang mama ni Thomas sa pagbati sa kanya. Naging mabait ito sa kanya kaya ayaw niyang pakitaan ng hindi maganda ito. Ang anak lang naman nito ang may atraso sa kanya. Tumayo siya at naghanda ng genuine na ngiti. Iniabot niya ang kamay.
"Kumusta po?"
Tumango ito at imbes na kunin ang kamay niya, ikinulong siya nito sa mga braso ng ilang sandali.
"Nice to see you again Kim," the older woman said with fondness.
"Paano kayo nagkakilala ni Mrs...-err ni Tita Divine Kim?" may kuryosidad sa boses na tanong ni Ric.
Sasagot sana siya pero nagsalita ang mama ni Thomas. "Sa Maynila kami nagkakilala."
She felt relieved sa pagsalo nito sa kanya. She really didn't know how to answer Ric's question.
"Let's all sit down and order food," sabi naman ni Elvie.
***
Akala niya hindi siya magiging komportable na makasama ang mama ni Thomas sa isang lamesa pero mali siya. Naramdaman niya na natural na natural pa rin ang pagtrato nito sa kanya. She was as nice as before.
Paano namang hindi? Ang anak niya ang may ginawang kabalbalan sa'yo ! naisip niya.
Binura na lang niya agad ang pumasok sa utak niya.Wala namang kasalanan ito sa ginawa ni Thomas. Malamang nga hindi nito alam ang pagpupustahan ng mga anak. Natapos naman ang tanghalian nila na walang aberyang nangyari.
"Kim, ihahatid na kita," sabi ni Ric nang tumayo na silang apat para umalis.
"Thank you pero huwag na. I have to run an errand," may tipid na ngiti na tanggi niya.
"Sasamahan na kita. Wala na rin naman akong lakad," pamimilit pa nito pero nakangiti.
"Oo nga naman Kim. Safe ang Davao pero mas maganda na samahan ka na ni Ric. Hindi ka na kailangang mag-taxi," sabi naman ng ate nito.
Tumango na lang siya at may sasabihin sana pero nagsalita si Mrs. Herrera.
"I hope it's okay. Pwede ba muna kitang makausap Kim kahit sandali lang?"
Natigilan siya sa narinig at sabay-sabay silang napatingin dito.
"Kahit ilang minuto lang," dagdag pa nito na tila nakikiusap ang mga mata.
Napakasama naman niya kung hindi siya papayag kaya tumango na lang siya.
"Take your time Divine. May sasabihin din ako kay Ric. I'll meet you outside," sabi ni Elvie sa kanila na nakangiti bago hawakan ang braso ng kapatid.
Kahit tila naguguluhan, tumango na rin lang si Ric. "Hintayin na lang kita sa labas Kim."
"Maupo muna uli tayo," aya sa kanya ng mama ni Thomas.
Gusto niyang magbaba ng mata nang makaupo sila dahil mataman na nakatingin ito sa kanya. Ipinatong nito ang isang kamay na ibabaw ng kamay niya na nasa kandungan niya.
"Hindi ko man alam kung ano ang nangyari sa inyo ng anak ko pero gusto kong sabihin sa'yo na masaya ako na nakita kita ngayon Kim."
Hindi niya mapigilang hindi umawang ang bibig sa gulat. Totoo pala ang hinala niya na wala itong alam. Nagbuntong-hininga siya. Wala siyang balak na sa kanya pa manggaling ang lahat. Kung hindi ito sinabi ni Thomas sa ina, ayaw niyang sa kanya pa nito malaman ang totoo. Gaano man siya kagalit sa lalaking 'yon, hindi naman niya nais na magkaproblema ang mag-ina. Alam niya ang pakiramdam nang nasa ganoong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomanceTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...