Chapter 9

10.5K 349 20
                                    


Gusto ni Kim na lunukin na siya ng lupa. Napakamalas naman niya ngayong gabi. Naumpisahan kasi ng pagkakakilala niya kay Franchesca. Pinili niyang ibaba ang mga mata dahil ayaw niyang makita ang kunot na kunot na noo ni Thomas at Ryan. Ganito pala ang pakiramdam ng nasa bingit ng pagkabuko at ang masaklap pa, andito pa talaga si Franchesca.

"Mr. Rosales!" boses iyon ni William.

Nagkamay ang dalawang lalake habang mataman lang na nakatingin sa kanya si Thomas. A muscle is jerking in his   jaw.  

"Mr. Herrera," magalang na bati ni Ryan.

"Eric will lead you to your table Mr. Rosales,"  dinig nilang sabi ni Thomas.

Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang isang waiter na   bumati kay Ryan at sa nanay nito. Wala ng nagawa si Ryan kung hindi ang tumango sa waiter at kunin ang kamay ng ina.

"A-ah Kim, punta ka bukas sa bahay ha?  Magluluto ako para sa inyo ni Ryan para tayong tatlo naman ang mag-celebrate," nakangiting sabi ni Aling Alice.

Bago pa siya nakasagot, umalis na ang mga ito. She almost heaved a sigh of relief but she felt guilty. Hindi niya nakausap ng maayos ang matanda na napakabait sa kanya dahil sa sitwasyon na kinakasangkutan niya. Before she knew it, Thomas was back to the seat next to her. Lumikha ng ingay ang paa ng upuan na hinila nito. She turned to him and noticed how his lips were  thinned. Ni hindi siya sinulyapan nito. He checked  his phone. Inis na inabot na lang niya ang baso ng tubig dahil wala ng laman ang wine glass niya. She was feeling light-headed anyway kaya mas makakabuti na tubig na nga lang ang inumin niya.

"Please correct me if my understanding is wrong, but did the old woman sound like your  future mother-in-law?" biglang tanong ni Franchesca.

Napaubo si William at naningkit naman ang mga mata niya. Ibinaba niya ng may kalakasan ang baso na dapat sana ay iinuman niya. Nakipaglabanan siya ng tingin sa babae.

"Mabait lang magiging biyenan na? Sorry pero lahat ng nanay ng mga kaibigan ko, kapalagayang loob ko. Ryan is a friend.  Hindi mo ba ka-close ang mga parents ng friends mo? O baka naman wala kang  mga  kaibigan dahil mukhang ang taas ng standards mo," kibit balikat na sabi niya.

"Why you...?!" namumulang sabi nito na parang gustong tumayo para sugurin siya.

"Jake, Ma!" tawag ni William sa mga bagong dating.

Tumayo ang magkapatid para salubungin ang mga ito.  Bakas ang gulat sa mukha ni Thomas. Siya naman, hindi niya alam kung ngingiti siya o hindi  sa magandang ina ng mga Herrera. Akala niya si Jake lang ang padating at hindi niya inasahan  na kasama pala ang ina ng tatlo. The elegant woman was curiously looking at her pero hindi naman ito nakasimangot. 

"Tita!" masiglang boses 'yon ni Franchesca.

Ngumiti ng  malapad si Mrs. Herrera at ibinuka ang mga braso para sa babae. Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam nang makita kung gaano ka-close ang mahaderang babae sa ina ni Thomas. She felt out of place.

Ok ka lang Kim? Hindi ka naman totoong nobya ni Thomas hello?- Inis na sabi niya sa sarili. Nasulyapan niya si Thomas na kunot ang  noo.

"Tonight is really full of surprises! I am happy that you are here  Tita!" sabi pa ng maldita sa nakakairitang boses.

Tumingin si Mrs. Herrera kay Thomas, "I hope okay lang anak na sumama ako. Your father had an emergency meeting kaya hindi natuloy ang dinner namin. Jake mentioned na may dinner kayo with your cousin Derek na mukhang hindi makakarating."

Hindi nagsalita si Thomas pero  tumango  ito. Hindi  mabasa ang expression ng guwapong mukha nito.

Ibinaba niya ang mga mata sa lamesa habang kagat ang ibabang labi. Pareho silang nasorpresa nito. Tama ang malditang sosyalera, tonight was full of surprises.  When everyone was seated, the table became quiet. Nakagitna si Jake sa ina at kay Franchesca kaya nasa tabi niya ang matandang babae.

Branding My Minx (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon