Tapos na ang pag-uusap nila ni Mrs. Herrera pero nag-eecho pa rin sa utak niya ang pakiusap nito. Kahit ang mga sinasabi ni Thomas kanina sa kotse nang inihatid siya nito sa opisina walang masyadong na-register. Sabay-sabay ang pumasok na scenario sa utak niya kapag umoo o humindi siya sa gustong mangyari ng mama ni Thomas. She took a deep breath. Ang aga-aga pa lang napakadami na niyang alalahanin.
"I'll pick you up later around 4:30. darling"
'Yon ang narinig niyang sabi ni Thomas bago siya nito gawaran ng halik sa pisngi. Umibis na siya agad ng kotse nito bago may iba pa itong sabihin o gawin. Mabuti at hindi siya nito sinundan o tinawag pa.
Nagpasalamat siya nang makitang busy ang mga tao sa labas ng opisina ni Ric kaya ang pagkaway lang ang nagawa ng sekretarya nito na si Raquel. Ayaw niya munang sagutin ang mga tanong nito sa kanya kung bakit hindi na siya bumalik kahapon. Ayaw niyang sumakit ang ulo sa mga dagdag pang isipin. Tuloy-tuloy siya sa maliit niyang opisina. Alam niya na wala pa si Ric dahil wala pa ang sasakyan nito sa labas. Tila pagod na naupo siya at ipinikit ang mga mata na sumandal. Hindi niya namalayan ang oras.
"Kim?"
May pagkagulat na ibinukas niya ang mga mata. Nakakunot ang noo ni Ric habang nakatingin ito sa kanya. Tila napahiya na tumuwid siya ng upo. Nangako siya na maaga siya ngayon pero wala pa siyang nagawa dahil sa kakaisip.
"Good morning. Sorry nakaidlip yata ako."
Lumapit ito sa lamesa.
"Don't worry about it. Kung kailangan mo pang magpahinga okay lang. You look pale," may pag-aalala na sabi pa nito na lalong nagpa-guilty sa kanya.
"R-Ric..."
"I'm ready to listen."
***
She felt a little relieved after telling him the situation. Wala talaga siyang balak pagsabihan pero Ric's presence and his sincerity made her tell him. Alam niya sa puso niya na mapagkakatiwalaan niya ito.
Huminga ito ng malalim.
"I know that you are a smart woman Kim. Ni hindi nga kita kailangang bigyan ng advice dahil tiwala ako na alam mo ang dapat gawin," may tipid na ngiti na sabi nito.
She released a sad smile. "Isa ka sa mga taong pinagkakautangan ko ng loob. Your willingness to be a shoulder to cry on for me means a lot."
"Nandito lang ako."
Tumango siya. "Hindi ako hihingi ng payo pero kailangan ko ng tulong mo."
"Kahit ano. Sabihin mo lang."
***
"Kaya hindi ka na bumalik kahapon nag-date kayo ng yummy mong boyfriend 'no? Buti malakas ka kay Sir Ric! Hindi ka pinagalitan kahit sobrang busy kami maghapon. Pero grabe Kim! Hindi ko inakala na makikita ko sa personal dito sa mismong opisina ang isa sa mga Herrera brothers! Ang boyfriend mo ba ang pinaka-yummy?" excited na tanong ni Raquel.
Ngumiti lang siya pero hindi na nagsalita. Wala naman siyang alam isagot at tama naman ito kasi sikat talaga ang mga magkakapatid lalo sa mga babae. That thought almost made her roll her eyes. May inis talaga siyang naramdaman sa isiping 'yon pero pilit niyang binura ang nararamdaman. Napatingin siya sa relo niya. Malapit ng mag 4:30 p.m. Sabi ni Ric pwede naman siyang umalis ng maaga kung gusto niya dahil ito na lang ang kakausap sa isa pa nilang kliyente na kinita nito sa isang cafe pero hindi niya ginawa. Baka kung ano na naman ang eksenang mangyari kung umalis siya bago siya sunduin ni Thomas. Para sa ikakatahimik ng mundo niya ngayon, hihintayin na lang niya ito.
BINABASA MO ANG
Branding My Minx (COMPLETED)
RomansaTama nga ang kasabihan na kahit gaano man katinik sa babae ang isang lalake.. makakahanap din ito ng katapat. Kilalanin ang babaeng magpapatino sa isang Thomas Herrera.. *NOT SUITABLE FOR MINORS* ©All rights reserved Cover photo by Rey Joma...