Yuki pov.
Tinitingnan ko ang ichura ko sa salamin na katapat ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang ikakasal na ako.
Ang bilis talaga ng panahon. Dati na halos isumpa ko sya dahil sya ang first kiss ko, pero ngayon ikakasal na ako sa kanya.
"Baklaaaaaa!!! napaka ganda mo!" tili ni neshi na kakapasok lang sa room. Kasama sila demonice at sofia na 6 months ng nanganak.
Tinutukso nga namin sila nakaraan na mag doble wedding kame, kaso umayaw sila cj at sofia. Moment daw namin to kaya ayaw daw nila makisali.
May pa moment moment pang nalalaman. Ayaw nila yun tipid sa gastos Hahahahaha.
"Grabe iba talaga ang inlove lalong gumaganda!!!" sabi naman ni sofia sakin.
"Queeen, congratulations with my bottom of my heart" natatawang sabi naman ni demonice. Minsan joker talaga sya no?
"Mag ready na po kayo maam, 10 minutes po mag uumpisa na ang wedding" sabi nung wedding planner namin.
"Okay po!!!!" Tanging nasabi ko na lang. At tumingin ulit ako sa salamin.
Hays ganda ko talaga...
Pag kalabas ko nakasalubong ko ang pamilya ko.
"Mauna na kame huh!!" tapik ni demonice sakin.
"Napaka ganda talaga ng anak ko" umpisa ni mom
Ayoko maiyak kaya niyakap ko na lang sya, maya maya lang nakiyakap na din si dad, ate at sila kuya.
"Grabe sis, hindi ko akalain na uunahan mo ako magpakasal" halos maiyak na sabi ni ate .
"Hindi ko pa din matanggap na hindi na kita ma baby katulad dati" nanginginig na boses na sabi ni kuya blake.
"Pag sinaktan ka ng kupal na sky na yun. Isumbong mo agad samin at kame na bahala magpatamik sa kanya" singit ni kuya jake kaya sya naman at niyakap ko.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣