Blake pov.
"Hindi!! Hindi totoo ang sinabi mo" naiiyak na sabi ni phillip kay yuki.
Nagtataka ako ano ba sinabi nya kay phillip, na halos mabaliw na sya kakaiyak at paulit ulit na sinasabi na hindi totoo ang sinabi nya.
Habang si yuki komportableng naka indian sit ulit at hindi pinapansin ang sinasabi nung phillip na yun.
"Ano ba nangyayare sayo" nagtitili na sabi ni karen, sabay lapit sa lalake at niyuyugyug habang nakatulala.
"Ikaw babae ka anong sinabi mo sa kanya!!" sigaw na din ni rick sabay tutok ng baril kay yuki, kaya halos lahat kame tinutukan din ng baril si rick.
"wala yun!! wag kang chismoso" bored na sagot nya kay rick
"Pinaglalaruan ka lang ng babae na to" sigaw na din ni maycee at tumingin sya kay yuki "ano sinabi mo kay phillip" seryosong sabi nya. habang si yuki tiningnan lang sya
"Hindi totoo yung sinabi mo, hindi totoong buhay pa ang asawa ko" sigaw nya na halos mabaliw na sya kakaisip, may time na sinasambunutan pa nya yung buhok nya.
"at alam mo mas shocking na katotohanan?" sigaw ng kapatid ko at tumayo sya para lumapit kay phillip "ako ang asawa mo" seryosong sabi nya kay phillip kaya napakunot ako ng noo. pati na din sila mom and dad naguluhan sa sinabi nya
"A-ano" nauutal na sabi ni phillip.
"Charot lang, eto naman hindi mabiro" saka sya tumawa ng napakalakas.
nakita ko naman si phillip na galit na galit dahil pinaglalaruan sya ni yuki.
"Tumawa ka hanggang kaya mo pa!!" warning ni maycee.
maya maya lang may binulong sya sa katabi nyang gangster. pagtapos tumango ng gangster patakbo sya pumunta sa second floor.
Ilang sandali lang, nakarinig kame ng putok galing sa likod, kaya napatingin kame. napansin ko na sa second floor ng building na to! may mga nakatagong assassin at sniper
"Tangina!!!" narinig kong mura ni dad ng makita ko nadaplisan sya ng bala.
Hindi namin makita kung saan exact nagtatago ang bumabaril samin, kaya nahihirapan kame bumaril.
Pati na din mga nasa ground floor na kakampi ng royalties gang nakiki baril na din. kaya hindi namin alam kung saan kame babaril.
Pansin ko din na unti unti nagsisibagsak mga kakampi namin na gangster.
Yuki pov..
Napakunot ako ng noo ng mapansin ko na may bumabaril galing second floor. kaya dali dali ako tumakbo kahit pinagbabaril ako ng mga gangster sa ground floor.
"Shit, nasaan ba sila!!" bulong ko habang tumatakbo ako bandang second floor. hindi ko kase mahanap kung saan nang gagaling yung mga bumabaril.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
AksiBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣