Jake pov.
"Bakit kailangan nila magsinungaling satin" naiiyak na sabi sakin ni blake, habang pauwi kame
kakahatid lang namin kay jennie sa pinag tratrabahuhan nya, nagdahilan kame may biglaan meeting kaya sa susunod na araw na lang kame makikipag kita kay sky.
"hindi ko alam blake pero sana may magandang paliwanag sila satin" galit kong sabi habang nag mamaneho ako ng kotse.
"nasan sila mom at dad" galit na sabi ko kay kizzy na bumungad agad samin pag dating ng bahay.
"bakit anong nangyare, nasa taas sila mom at dad nag iimpake pupunta silang macao" gulat sabi ni kizzy samin at pumunta na nga kame sa taas para kompirmahin ang tungkol kay jennie
"mom, dad" galit na sabi namin ni blake.
"teka ano ba nangyayare sainyo" sabi ni kizzy samin na sinundan pala kame sa taas
"umamin kayo, si jennie ba at si yuki ay iisa" sigaw ni blake na kinabigla nila mom at dad
"bakit mo kame sinisigawan, at diba sabi ko sainyo na pina DNA na namin sya hindi sya ang kapatid nyo" sigaw na din na sabi ni mom kay blake
"mom, tama na pagsisinungaling may karapatan kame malaman ang totoo" naiiyak ko ng sabi hindi ko na mapigilan umiyak nung nakita kong napaluhod si blake at umiyak
"mom,dad, kizzy kapatid din namin sya at parte din kame ng pamilyang to, pero bakit kailangan nyo pang ilihim. alam nyo bang gabi gabi ako nag dudusa iniisip ko na sana ako na lang nawala hindi ang kapatid ko. kase napaka bata pa nya pero ngayon may kutob kameng sya si yuki pero bakit ayaw nyo ipaalam samin hindi nyo ba alam kung gaano kasakit ang nasa loob namin. hindi lang naman kayo nahihirapan sa pagkawala ni yuki, dalawang taon na nakakalipas pero hindi ko pa din matanggap" humahagulgul na sabi ni blake kaya lalo ako napaiyak
nagulat na lang kame na umiyak si dad at nakatingin samin.
"sorry mga anak hindi ko alam na ganyan na pala ang dinadala nyo, honey sabihin na natin ang totoo" sabi ni dad kay mom
"sige aamin na kame, oo sya si yuki sya ang kapatid nyo, pero kahit ganon ni hindi ko man lang sya matawag na anak o mayakap ng mahigpit dahil sa putanginang mga gangster na gusto tayo mapabagsak, sorry anak ramdam ko ang nararamdaman nyo, patawarin nyo sana kame sa pagsisinungaling. hindi na ulit to mangyayare" naluluhang sabi ni mom at lumapit sya kay blake para yakapin habang si dad at kizzy namin lumapit sakin ay niyakap din ako.
"pero sana wala munang nakaalam na sya si yuki mangako kayo, at wag na wag nyo syang tatawagin na yuki dahil hindi pa namin alam ang plano ng mga kaaway natin baka lalo lang sya mapahamak" paalala ni dad samin at napangiti kame kase sa wakas nalaman na din namin ang totoo.
Sky pov.
"napaaga ka ata ngayon Miss, Cruz" bungad ko kay jennie pag pasok ko office.
"syempre, may naghatid sakin eh, sarap siguro magkaron ng kotse tapos joyride, joyride lang ang peg" natatawa nyang sabi habang nag titimpla ng kape.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣