Jennie pov."Jennie, ano ba kanina pa kita tinatawag huh, nagbibingi bingihan ka na naman ba" sabi sakin ni tita marie sabay sambunot sakin at halos ingudngud ako sa mga pinggang hinuhugasan ko.
"tita naghuhugas po ako, saka hindi ko po kayo masyado narinig malakas kase yung T.V" hinging tawad ko kay tita kahit nabasa muka ko kakangudngud nya sa mga plato
"aba, aba, jennie sinisi mo pa ako gusto mo ako naman ang ngungudngud sayo?" matapang na sabi ni joana sakin
sya ang panganay na anak ni tita marie, 20 yrs old na sya pero lagi lang sya nakahiga at nanonoud ng T.V. lima ang anak ni tita marie lahat sila kung makautos sakin akala mo katulong nila ako at lahat sila nakaasa sa sweldo kong napaka liit. feeling ko mas mahirap pa ako sa daga, pati pamasahe ko sa trabaho wala ako, kaya no choice ako maglakad, bread winner ako sa pamilya na to. bukod sa sweldo ko wala na silang inaasahan pag kukuhaan ng pera
nakatira kame sa Squater dito sa may tondo, sa isang maliit na bahay na to nagsisiksikan kame matulog minsan nga sa labas nila ako pinapatulog kase dagdag sikip lang daw ako sa pamamahay nila
gusto ko man lumayas sa kanila pero nandon pa din na kamag anak ko sila, saka nung nawalan ako ng alaala 2 yrs ago sila ang kumupkop sakin. kaya thankful pa din talaga ako sa kanila iniisip ko na lang eto bayad ko sa pagkupkup nila sakin 2 yrs ago
Nakwento na din sakin ni tita na namatay sa aksidente ang mga magulang ko at kaisa isa akong anak kaya sila na lang talaga natitira kong pamilya.
"ano po ba paguutos nyo tita" tanong ko agad
"labhan mo mga damit namin katamad mo tambak na dun mga labahin eh, wala na ako masuot" turo sakin ni tita, pagtingin ko nakatambak lang sa isang sulok yung mga marurumi nilang damit. hays wala ba talaga tutulong sakin sa gawaing bahay, pagod na nga ako sa trabaho pati ba naman sa bahay, halos wala na akong pahinga.
"p-pero tita may pasok pa po ako sa trabaho" sabi ko kay tita na kinasimangot nya
"hoy wala akong pake kung may pasok ka, saka pinapalamon ka dito para pagsilbihan kame hindi gumawa ng palusot. hala sige maglaba ka na at ako'y magsusugal muna" sabi ni tita sakin pagtapos nya ako duru duruhin sa ulo. gusto ko sabihin na pera ko naman pinag bibili ng pagkain nila pero hays ayoko na lang magsalita
yumuko na lang ako at nagpigil ng iyak, medyo sanay naman kase ako sa kanila mula nung mawalan ako ng alaala ginaganyan na nila ako
"buti nga sayo labhan mo na damit namin tamad tamad mo kase" sabi sakin ni Nita pangalawa sa matanda sa kanilang magkakapatid 18 yrs old na sya
"hays ano pa ba magagawa ko" bulong ko sa sarili ko at nag umpisa na ako maglaba
Gabi na ng matapos ako maglaba at magsampay ng makarinig ako ng text
"Bakla ka absent ka na naman badmood si sir kaya tanggal ka na daw sa trabaho"
"hays marami pa naman dyan" bulong ko at huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa bahay
"ano ba yan Jennie gabi na wala pang ulam, anong klaseng buhay to oh" sigaw ni tito Rene sakin
"pasensya na tito kakatapos ko lang maglaba, magluluto na po ako" nagmamadali kong sabi
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣