Cherry pov.
"Jennie, Jennie ano nangyare sumagot ka?" sigaw ko sa cellphone may mga narinig kase ako nagsisigawan
"Hello po, nahimatay po sya ngayon ngayon lang, nakitawag kase sya sa tindahan ko tapos bigla na lang sya natumba" natatarantang sabi ng babae sa kabilang linya.
"saan location mo?" tanong ko agad
at agad naman nya binigay kung nasan si jennie, kaya nagmadali ako umalis
"honey, bakit bihis na bihis ka saan ka pupunta" sabi sakin ni george na kakalabas lang sa banyo.
"nahimatay na naman si jennie, kailangan ko sya puntahan" sabi ko agad sa kanya
"saan sya nahimatay sama ako" sigaw ni george sakin at agad agad naman sya nagbihis.
"bilisan mo magpatakbo" sabi ko sa driver at dinial ko ulit ang number ni jennie pero walang sumasagot.
"alam mo maam, grabe yung tita nya pagkarating sa bahay sinampal at pinahiya sya" sumbong ng driver sakin habang nasa kahabaan kame ng byahe
"bakit nya naman gagawin yun sa sarili nyang pamangkin?" tanong ko sa kanya
"ewan ko nga po maam, turing nya dun sa babae parang hindi kamag anak, sinabihan nya pa nga malandi yun, saka pinagtrabaho nya agad kaya siguro nabinat yung bata na yun. kung nandon ka lang po baka maawa din kayo sa kanya" sabi ng driver namin.
"kawawang bata naman nun napakabait pa naman nun" naawa ding sabi ni george.
----
"kamusta na sya doc, ayos na ba sya?" tanong ni george sa doctor.
"under observation pa namin sya pero okay na po sya, base sa lumabas na resulta kulang na kulang sya sa nutrition at may ulcer din sya" sabi samin ng doctor.
"Sige salamat" tanging nasabi ko na lang at pumasok na nga kame sa room.
"kawawa naman tong bata na to putlang putla" naawa pa din sabi ni george sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣