Chapter 18

1.9K 66 9
                                    

Blake pov.



Nandito kame sa Hospital na kung saan dinala namin si neshi, hindi pa din ako makapaniwala na ganyan nangyare sa kanya, halos kahapon lang hinatid ko pa sila sa gate namin para umalis sila ni yuki.


Hinihintay na lang namin yung doctor na tumitingin ngayon kay neshi, halos limang oras na kame nag hihintay dito pero hindi pa din lumabas sa operation room yung doctor.



"Grabe hindi talaga ako makapaniwala sa nangyare sa kanya" umpisang topic ni lerk, halos lahat kame tahimik, nag iisip kung sino gumawa sa kanya ng ganyan




"Oo nga pre, sino kaya walang hiya gumawa sa kanya nun, napaka bait na tao ni neshi hindi nya deserve to" seryosong sabi naman ni ken




"Kasalanan ko talaga to eh, kung hindi ko sya iniwan at  hinatid ko sya kagabe. Hindi sya mag kakaganto" sisi ni yuki sa sarili nya.



"Wag mo sisihin sarili mo" mahinahon na sabi ni sky



"Kasalanan ko sky, text sya ng text sakin at tawag ng tawag si neshi pero ni isa hindi ko masagot. Kung hawak ko phone ko maililigtas ko pa sana sya" naiiyak pa din sabi ni yuki



Maya maya lang lumabas na ang doctor na tumitingin kay neshi, agad agad naman tumayo si yuki



"Doc, kamusta na po si neshi" tanong agad ni yuki


"Nasa critical conditionpa din sya, dahil sa lalim ng sugat nya sa ulo. At sa mga sugat nya sa katawan dahil sa pagpalo ng matigas na bagay sa kanya, sa ngayon sinalinan muna namin sya ng dugo, muntik na sya mawalan ng buhay dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. At higit sa lahat may nag positive test sa ginawa namin, bago sya binugbug, ginahasa muna sya ng paulit ulit base sa sperm cell na nakuha namin sa private part nya" sabi ng doc samin



Kaya si yuki unti unti na naman umiyak at napaupo.



"Magbabayad sila sa ginawa nila kay neshi pagbabayarin ko sila ng malaki" galit na galit na sabi ni yuki



Pati yung upuan na nasa gilid hinagis nya sa sobrang galit



"Tama na yuki" hinahon ni jake sa kanya kaya lumapit na din ako




"Pagbabayarin ko sila kuya, sisiguraduhin ko pagbabayarin ko sila" hagulgul na sabi ni yuki samin ni jake.



"Yukiii, anak" tawag ni mom samin kasama nya si dad at ate kizzy na nagmamadali pa pumunta samin

Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon