Blake pov.
"Hays buti na lang, okay na sya" sabi ni ate kizzy, nasa loob kame ng kwarto ni yuki.
"oo nga eh, oh ayan na pala sila mommy" sabi ko sa kanila na kakapasok lang. kinausap kase nila ang doctor about sa condition ni yuki
nandito din pala ang buong black gang, kasama sila yana, blezy, sofia at neshi na kanina pa iyak ng iyak.
"okay na daw sya, anytime pwede na sya magising buti na nga lang daw nadala natin sya sa hospital, kung hindi baka maubusan sya ng dugo at buti na lang talaga hindi nabasag ang bungo nya hinala ni doc bago sya pinalo nakailag sya" paliwanag ni dad samin
hays buti na lang, wag lang talaga mag ku-krus ang landas namin ng lalakeng pumalo sa ulo ng kapatid ko, pahihirapan ko sya hanggang sa mamatay makikita nya.
"guys bili lang kame ng pagkain para may lakas tayo magbantay" sabi ni sofia samin at sumama naman si blezy at yana,
maya maya lang habang nag kwekwentohan kame sino ang utak ng pangyayare na to nakarinig kame ng ungol
"jennie, jennie naririnig mo ba ako" sabi ni neshi kay yuki, kaya nag sipuntahan na din kame
nakita namin na unti unti nya ng minulat ang mata nya at ngumisi samin, kaya napataas ako ng kilay
"okay ka na ba" tanong ni mom
"Honey, tumawag ka ng doctor bilis" utos ni mom kay dad at dali dali naman umalis si dad at tumawag ng doctor.
"ano pakiramdam mo?" tanong ni ate kizzy kay yuki, at tinulungan nya ito umayos ng upo.
"hays namiss ko din ma hospital, akalain nyo yun 2 years din ako hindi na hospital" sabi ni yuki samin kaya nagtaka kame kung ano sinasabi nya
maya maya lang dumating na si dad at may kasama syang doctor.
"okay na sya, pero kailangan nya ipahinga katawan nya lalo na't sa ulo ang tama" paliwanag ni doc samin pagtapos nya checkin si yuki
"salamat doc" sabi ni mom at umalis na nga ang doctor, saka naman dumating sila sofia.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
AzioneBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣