Neshi pov.
"ang ganda mo panigurado pagtitinginan ka dun sa party" bungad ko kay jennie na kakalabas lang sa kwarto
"ikaw din neshi ang ganda mo" manghang sabi sakin ni jennie.
"anong oras ba yung party?" tanong ko kay jennie
"7pm, anong oras na ba?" tanong nya sakin
"6:30 na halaaaaa tara na masyado tayo natuwa sa mga sarili natin hahahaha" natatawa kong sabi
paglabas namin may naghihintay na lalake samin
"maam jennie at neshi po? pinadala po ako ni maam kizzy para sunduin kayo" nakangiting sabi nung lalake
"ang ganon ba sige" sabi ni jennie at sumunod na kame.
"grabeng driver naman nyan ang gwapo" bulong ko kay jennie na ngayon nakasunod kame sa lalake.
Jennie pov.
"Woooooooow" manghang sabi ko nung pagpasok na pagpasok namin sa school
"grabe ang gandang school naman to" sabi ni neshi
"tara, hanapin natin si ate kizzy" yaya ko kay neshi
habang hinahanap namin si ate kizzy may lumapit na lalake samin
"yuki ikaw ba yan?" sigaw na sabi nung lalake samin
kaya yung mga nasa paligid namin napatingin samin at nagulat din
"hala oo nga si yuki oh,"
"diba patay na sya"
"nagmumulto ba sya"
iilan lang yan sa mga narinig kong bulong sa kanila.
"nagkakamali po kayo hindi po ako si yuki pangalan ko po ay jennie" sigaw ko sa kanila para marinig nila ako.
"teka prank ba to?"
"panong hindi si yuki eh kamukang kamuka nya"
"joke ba to?"
naririnig ko pa ding sabi nila kaya napayuko na lang ako, maya maya may humawak sa kamay ko pagtingin ko si ate kizzy na nakangiti sakin.
"ladies and gentlemen, sa mga naguguluhan kung si yuki eto nagkakamali kayo si jennie cruz sya, nakakabigla diba? kame din nabigla eh kase kamuka sya ng kapatid ko" natatawa nyang sabi kaya nagsitawanan na din yung ibang nando-doon.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣