Kizzy pov.
Nandito ako ngayon sa H.Q nagpatawag kase ako ng meeting, may kutob kase sila mom na may nagbabalak na naman kame pabagsakin at inaalam pa namin kung sino sila.
May bagong H.Q na din pala kame, nasa ilalim na ng lupa, tago ang bago namin H.Q, simula kase nung namatay si yuki nagpagawa kame ng bagong H.Q.
"Queen isa sa mga kasamahan natin ang nag tatraydor, pangalan nya po is James Angeles" sabi sakin ni Demonice habang may binabasang documents.
ano ba naman tong mga tryador na to hindi matapos tapos.
"nasan sya ngayon?" tanong ko sa kanila
"Queen nasa kulungan po ayaw magsalita" sabi ni xander sakin
"mirror pakita mo sakin ang mahahalagang information ni james angeles" sigaw ko
at may lumabas na monitor at pinakita lahat ng mahahalagang information at mga illegal na ginagawa nya.
si mirror pala ay isang monitor na kung saan halos lahat ng nangyayare at mahahalagang information nakikita nya, bali may kapit kame sa NASA kaya nakakapag bigay sya ng mahahalagang information.
"Clein alam mo na ang gagawin" sabi ko agad at umalis na si clein.
Yana pov.
Kilala nyo naman kung sino ako diba, ako ang girlfriend ni Kirito Sky Ventura. Unang kita ko pa lang kay sky alam ko sa sarili na mahal ko na sya kaya ginawa ko ang lahat para mapasakin sya.
isang taon din ako umasa na iibigin ni sky buti nga lang hindi ako nag give up kase napasakin sya,
and bitch na jennie na yun, hindi porket kamuka sya nung ex ni sky nag fefeeling close sya kay sky like duh!! babae ako kaya ramdam ko na kursunada nya si sky akala naman nya papatulan sya nun.
simula nung naging sakin si sky sinugurado ko na makakalimutan nya si yuki at nagtagumpay naman ako, and alam nyo ang mas nakakagulat tungkol sakin? isa akong prinsesa ng gangster dahil isa din naman ako sa mga malalakas na babaeng gangster.
Dapat si Demonice ang magiging prinsesa pero dahil sa nakuha kong vote mula sa ibang gangster ako ang itinanghal na prinsesa, pinakitaan ko kase sila ng mabuti, hindi katulad ni demonice lagi bukang bibig ang pumatay at nakakainis na magpanggap na mabait kahit hindi naman
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣