Yuki pov.
dahil unang araw ko maging secretarya nya na may alaala ako. nandito ako sa office inaantay sya dumating,
"ano ba yan late na ng sampung minuto yun huh, pagalitan ko nga yun mamaya walang malasakit sa oras" bulong ko habang inaayos ko ang report na susubmit ko sa kanya bukas, kaya busy busyhan ako.
maya maya lang dumating na si sky, kasama ang girlfriend nyang feeling angel.
"Good morning sir" ngiti kong bati sa kanila
tumigil sila sa harap ko at tiningnan ako ni yana, as if naman babatiin ko sya, kaya imbis na batiin sya tinuloy ko na lang yung ginagawa ko.
"Love wala naman akong gagawin eh, sasamahan na lang kita magtrabaho" sabi nya kay sky na parang pinaparinig pa sakin, kaya natawa ako ng konti kaya napatingin sakin si yana
"anong nakakatawa?" taray na sabi nya sakin
"wala po natawa lang ako sa ginagawa ko" nakangiti kong sabi sa kanya
etong yana na to kala mo anytime aagawin si sky, jino-joke lang naman na lalandiin ko si sky sineryoso hahahaha gusto ko tuloy humalakhak
imbis na intindihin sya, ginawa ko na lang report ko hindi ko namalayan na lunch na pala, maya na ako mag lu-lunch taposin ko lang to kalahati
"hindi ka pa kakain?" narinig kong tanong ni sky sakin, pagtingin ko kasama na naman gf nya
"mamaya na kakalahatiin ko lang to" sabi ko din sa kanya
"pwede naman mamaya yan eh, tara na" nakangiting sabi ni sky sakin, papayag na sana ako kaso sumingit si yana
"nako love, wag mo pilitin ang ayaw" isnab na sabi ni yana, kung dukutin ko kaya mata neto
"yukiiiii" rinig kong sigaw, kahit hindi ko nakikita yung sumigaw alam kong si neshi yun, simula kase nung bumalik alaala ko sinabi ko sa kanya na yuki na itatawag nya sakin. nung una sobrang naguluhan sya, biruin nyo ba naman nakaraan lang kinakaingitan namin si yuki tapos yung totoo pala, ako talaga si yuki hays buhay nga naman
"ohhh nandito ka pala" nakangiti ko ding sabi
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣