Lerk pov.
Flashback.
"Bilisan mo naman magpatakbo, parang kalesa na sinasakyan ko eh" tukso ko kay jake, palibhasa ba naman ingat na ingat sa pag mamaneho alam nya naman na may hinahabol kame.
"Ah kalesa pala huh" sabi ni jake at lalo nya binilisan yung sasakyan.
"Ayan dapat ganyan para maabutan natin sila ken, kanina pa kita gustong palitan dyan eh akala ko kinakalawang ka na eh" sabat ni blake, habang nakahawak ng mabuti sa seat belt
"Matawagan nga si ken" sabat naman ni cj, habang tinatahak namin ang nlex.
"Ano sabi?" Tanong ni sky
"Cannot be reached daw" sabi ni cj kaya binatukan ko sya, abnormal ang seryoso pa nya nakikinig tapos may pa tango tango pa wala naman pala sumagot kinabahan ako dun huh,
"Teka teka may mababangga tayo!!!!!" sigaw ni sky.
Kaya biglang nag preno si jake at halos lahat kame napahawak ng mahigpit
"Paking tape" sigaw ko, maya maya lang may bumaba na babae papunta samin kaya binaba din ni jake yung bintana ng kotse nya
"Pasensya na miss pero nagmamadali kame, tawagan mo na lang ako sa number na to pag may problema" sabi ni jake saka abot ng calling card nya.
"Wala akong pake kung nagmamadali kayo" nakangising ngiti ng babae, maya maya may binuga sya parang pulbo at bigla kame nahilo
Ang huling narinig ko lang nung nawalan ako ng malay "dalhin na ang mga bihag"
End of flashback
"Ugh! sakit ng ulo ko" sabi ko habang pilit ko minumulat mga mata ko
"Gising na pala mga bihag natin, tawagin si boss" sigaw nung lalake nakatayo sa harap ko
Paglinga ko nakita ko na nakatali kame lahat sa tig iisang silya, nakita ko din sila ken at neshi habang yung iba pagising na din.
"Nako talaga!!!! yari kame neto kay Queen" bulong ko habang nakatingin kay neshi
"Ano binubulong bulong mo" sigaw nung lalake sakin
"Sabi ko yari kame kay Queen" sigaw ko din sa kanya
"Matapang ka huh" sabi nya sakin at sinuntok nya ako sa sikmura, medyo hindi ako nasaktan eh halos araw araw na ako nagugulpi ayun lang iindahin ko pa
"Maya maya lang makakasama nyo na Queen nyo" natatawa naman sabi nung isang lalake.
"Ano ibig mo sabihin" tanong ni sky.
"pupunta ang Queen nyo mag isa dito, kahit gaano sya kalakas hindi sya mananalo sa daan daang gangster na nandidito" sabat ng lalake samin, pag tingin ko halos lahat ng gangster nakatingin at nakangisi samin
"Shit" rinig kong bulong ni sky, pati ako kinabahan na baka pati si Queen madamay sa kapalpakan namin
"Hahahahahahahahahahahahhahahahahahaha" napatingin kame sa tumatawa, nakita ko sila jake at blake ang tumatawa mga baliw na ba talaga to? Tama naman sinabi nung lalake kahit gaano kalakas si Queen hindi sya mananalo sa daan daang gangster.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
AkčníBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣