Yuki pov.
Almost 2 weeks simula nung nangyare dun sa bodega at simula nun wala na ako nabalitaan kay yana, pero ang sigurado ko na lang ngayon ay patay na ang nanay nya. Pinahanap ko na din sa ibang gangster kung saan nagtatago si yana pero hanggang ngayon wala pa din silang balita kung nasaan sya.
"Hoy! mamaya pupunta tayo huh, baka mag iba na naman isip mo" kulit sakin ni ate kizzy pang sampong tanong nya na sakin to eh.
"Oo nga yuki pabago bago ka pa naman ng isip" sabat naman ni neshi habang nasa sofa kame at nanonoud ng Netflix.
"Oo na, oo na sasama ako kukulit nyo" pilit ko na lang sagot sa kanya, kung nag tataka kayo bakit nandito si neshi sa bahay! Napag desisyonan kase namin na dumito muna si neshi sa bahay para mabantayan namin sya.
Sa ngayon binigyan sya ni mom ng trabaho sa company para hindi sya masyado mahirapan, kung pinabayaan kase namin sya sa pag crecrew baka lalo sya mahirapan, kahit papano nakakalimot na din sya sa nangyare sa kanya, nung nakaraang linggo pina consult namin sya sa psychiatrist tungkol sa nangyare sa kanya Sumama pala si ken nung time na yun, Ewan ko ba simula nung na discharge si neshi lagi na pumupunta ng bahay si ken, pero mas okay na yun sabi nung tumingin kay neshi mas mapapabilis yung pag recover nya sa nangyare sa kanya kung may nagpapasaya sa kanya at sa tingin ko si ken yun mukang may mabubuong loveteam.
"Sure na sure huh?" Tanong ulit ni neshi sakin
"Oo nga" iritado ko ng sabi,
kunwari pa tong babae na to excited lang naman makita si ken, kung itatanong nyo saan kame pupunta mamaya sa bar ni cj, anniversary kase ng bar nya kaya nagpaparty sya dun.
*****
"Hoy babae!! bakit hindi ka pa nagbibihis paalis na tayo" inis na sabi ni kuya blake sakin, tinatapos ko pa kase pinapanoud ko sa netflix tamang tama pag kita nya sakin saktong tapos na.
"Don't call me hoy" ismid ko sa kanya at umakyat na ako ng padabog, dati baby girl tawag nila sakin nung nawala lang ako ng 2 years naging hoy na, asan hustisya dun?
dali dali na din ako nagbihis at naglagay ng light make up, nakakahiya kung pupunta ako ng bare face eh, party pupuntahan ko no
"Wow ang ganda naman ng kapatid natin" sabi naman ni kuya jake, naiinis na ako huh! bakit hindi nila ako matawag tawag na baby girl,
"Ikaw na lang inaantay namin bakla ka" sigaw naman ni ate kizzy, grabe nasasaktan na ako na hindi na baby girl ang tinatawag nila sakin
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣