Cherry pov.
"Tapusin na natin ang dapat tapusin!!" sigaw ni maycee sakin
Habang nakahawak sya kay kizzy na duguan at ako naman nakahawak kay brian.
"Dito tayo magkakaalaman, sinimulan mo pwes ako ang tatapos!!" maangas na sabi ko sa kanya sabay tutok ng baril sakanya. tinutukan nya din ako ng baril.
"Ma, tama na! tumigil ka na" nagmamakaawang sabi ni brian sa mama nya. habang hawak ko sya sa isa kong kamay
"Hindi na mapipigilan ang sungay ng nanay mo" bulong ko sa kanya
"Hindi tita, mapipigilan ko sya itatama ko kamalian nya" naiiyak nya ng sabi.
"matitigil lang to pag isa samin ang namatay at sisiguraduhin ko sya ang mamatay" seryoso kong sabi kaya napatingin sya sakin
"Please tita, nagmamakaawa ako sayo wag mo patayin ang mama ko" bigla syang humarap sakin at lumuhod
"Brian ano ginagawa mo!!" sigaw na sabi ni maycee sa anak
"Ma, tumigil ka na, sumuko ka na kahit alang ala na lang sakin"
huminga ako ng malalim saka tiningnan si brian ng seryoso
"Hindi ako susuko sa babae na yan, sya ang dahilan bakit nasira ang buhay ko" sigaw nya pa din
"Ma, nandito ako hindi nasira ang buhay mo kase nandito ako para sayo!" naiiyak nyang sabi kaya medyo niluwagan ko ang pagkahawak ko sa kanya.
"hindi mo mababago ang katotohanan na nasira ang buhay ko brian, dahil isa ka din sa mga dahilan bakit masira ang buhay ko" sigaw nya sa anak
Nakita ko na medyo napayuko si brian sa sinabi ng ina.
"Wala ka talagang kwentang tao" sigaw ko saka ko sya binaril. natamaan naman sya sa balikat
"Tita tama na!!" sigaw ni brian sakin saka sya tumakbo sa nanay
Dali dali din ako lumapit kay kizzy nung nakita ko na napaupo si maycee habang tulala at tinitingnan ang umaagos na dugo sa balikat nya
"Mom!" bulong ni kizzy sakin. dali dali na din lumapit si george sakin habang nakatutok ang baril kila maycee.
Blake pov.
"kung may problema kayo sa asawa ko, wag nyo ako idamay" sigaw nya sakin, eh kung patayin ko na kaya to?
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣