Chapter 6

2.3K 77 23
                                    


Jennie pov


""w-wag mo gawin to"


"Nabangit na sakin nila kuya bakit gusto mo ako makausap, pag nakabalik ako ayusin na natin to"



"Naulit na naman mga panaginip ko" bulong ko sa sarili ko


halos gabi gabi ako nanaginip ng weird, nanaginip ako pero puro blurd naman nakikita ko, minsan iniisip ko binabangungut ako o baka may multo na may crush sakin huhu creepy.


"Makapasok na nga lang ng maaga" at pumunta na nga ako ng cr para maligo.




ilang araw na ako dito, pero hindi nya ako binabati ng good morning din, lagi nakasimangot gwapo sana bugnutin naman,  sinundan ko na lang sya sa office para magtimpla ng cafe.



"sir kape nyo po" sabi ko sabay bigay ng kape sa kanya.



"makakaalis ka na" sabi nya habang may mga pinipirmahan na mga documents.



boss ko sya pero bihira lang kame magkita, at boss ko sya pero ni ngiti hindi nya ako pinapakitaan, pano ako magkakaron ng determinasyon maging secretary nya kung susungitan nya ako lagi.


"Sir may bussiness deal po kayo mamayang 9am, kay Mr. Devega may 30 mns na lang po bago mag 9am" paalala ko sa kanya


"tara na," sabi nya sabay labas ng office


minsan iniisip ko may topak tong lalake na to eh, at sinundan ko na nga sya.


"ano pa sunod kong schedule" tanong nya sakin habang nasa kotse kame


"good news sir, wala na po" nakangiti kong sabi pero tinaasan nya lang ako ng kilay


pagkarating ng pagkarating namin sa company ni Mr. Devega nagmadali agad sya lumabas pero pinigalan ko sya



"Sir ventura" sigaw ko, ang bilis nya kase maglakad may 5 minutes pa naman bago mag 9am eh.


"bakit" nakataas ang kilay nyang sabi pero dali dali lang ako lumapit sa kanya


"Hindi kase nakaayos yung neck tie nyo sir ayosin ko lang" sabi ko sa kanya

 


at dali dali ko na nga inayos yung neck tie nya, pero habang inaayos ko neck tie naiilang ako sa titig ni sir sakin kaya tiningnan ko din sya



feeling ko tumigil yung mundo ko nung nakatitigan kame, parang nag uusap yung mata namin kahit hindi kame nagsasalita.


"Sir ventura hinahantay na po kayo ni Sir Devega" sabi ng babae sa likod namin kaya lumayo ako ng konti kay sky


"ako na mag aayos" sabi nya sabay lakad ng mabilis.


Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon