Sky pov.
Ang saya ko ngayong araw, hindi ko mapigilan ngumiti habang nag dri-drive, akalain mo yun nasabi ko na din gusto kong sabihin simula nung nalaman ko sya si yuki.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng condo, nakatanggap ako ng sampal.
"What The Fuc--" hindi ko na natapos ang pagmumura ko ng makita ko si yana sa gilid ng pinto ko
"akala mo ba hindi ko alam pinag gagawa mo?" naiiyak nyang sabi sakin
"so-sorry" tanging nasabi ko na lang sa kanya, dahil alam ko na ang sumusunod samin kanina ay isa sa mga tauhan ni yana
"ano! ganon ganon na lang sorry, pagtapos nyo maghalikan ganon lang yun, alam ko lahat pinasundan ko kayo sa mga tauhan ko, kaya alam ko mga ginawa nyo! tapos maririnig ko lang sayo sorry?" sigaw nya sakin habang umiiyak
"sorry yana, pero mahal ko pa si yuki" lakas loob kong sabi sa kanya
"pano naman ako?" nang hihina na sabi nya sakin
"importante ka sakin yana kaya ko to sinasabi, pero hindi ko alam kung bakit nung nalaman ko sya si yuki, nawala lahat ng pagmamahal ko sayo, hindi ko nga alam kung totoong minahal kita o pinaniwala ko lang sarili ko na mahal kita" malungkot kong sabi sa kanya
"putangina sky, binigay ko lahat sayo pero hindi pa din sapat?" sigaw pa din nya, saka nya ako pinagpapalo sa may dibdib
"sorry talaga sorry, sana mapatawad mo ako someday, let's break up, ilabas mo sakin galit mo kahit saktan mo ako maibsan lang galit mo tatanggapin ko, pero nahihirapan ako makita si yuki na hindi ko man lang malapitan, alam mo naman kung gaano ko sya kamahal diba?" mapait kong sabi sa kanya
ayoko saktan si yana pero pag pinagpatuloy ko pa relasyon namin dalawa lang kame masasaktan,
"hindi pwede sky, akin ka lang" sabi nya sakin
"yana please itigil na natin to, mas lalo ka lang masasaktan pag pinagpatuloy pa natin to" pagmamakaawa kong sabi sa kanya
"hinde, hinde ng dahil lang sa babaeng malandi na yun? hindi sky akin ka lang" sigaw pa din nya
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
AksiBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣