Yuki pov.
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko ang sakit ng braso at balakang ko. nasa kotse pa din ako at nakatulog. hindi ko alam kung nasaan lupalop na ako ng pilipinas. simula kase nung umalis ako sa bar nag drive lang ako ng nag drive.
Pagtingin ko sa balakang ko nakita ko may pasa. dahil sa pagtama ko sa kanto ng mesa. pagtingin ko naman sa braso ko may pasa din dahil sa sobrang higpit ng hawak ni kuya blake sakin
Nalungkot ako ng makita ko ang phone ko. kahit isang text wala man lang ako natanggap. hindi ba sila nag aalala sakin?
Hindi ko namamalayan na napapaiyak na ako, kita ko kase ang galit sa mga muka nila at lalo ako Napaiyak ng ma realize ko na nasa panganib ang parents ko. Hindi ko alam ang gagawin ko feeling ko anytime mababaliw na ako sa sitwasyon ko.
Napansin ko mukang tanghali na din sa sobrang taas na ng araw at doon lang din ako nakaramdam ng gutom..
Dali dali ako bumili ng tinapay na halos katabi lang ng pinagpark ko ng kotse.
"Miss ano pong lugar to?" tanong ko sa babaeng binilhan ko ng tinapay.
"Batangas po" sabi nya at tumango tango na lang ako.
Hindi ko akalain na nakaabot pala ako ng batangas. hindi rin kase nag sisink in sa utak ko na nag dri-drive ako kagabe, buti nga lang hindi ako nabangga
Pagbalik ko sa sasakyan agad ko nilantakan yung binili kong tinapay. hindi pa nangangalati ang kain ko ng may tumawag at sinagot ko naman agad yun.
"Ang sarap ng kain mo Queen" sabi agad sa kabilang linya. kaya nagpalinga linga ako sa kinaroroonan ko. wala naman ako makitang tao.
"ano ba gusto nyo" inis kong sabi
"Gusto ko pumunta ka dito ngayon, wag mo balakin na magsama dahil malalaman at malalaman ko din yun. kaya kung ako sayo mag iingat ako sa mga gagawin ko! para mas lalo hindi mapahamak ang pamilya mo at mga mahal mo sa buhay" sasagot pa sana ako ng bigla na naman nya inend ang call
Maya maya lang nakatanggap ako ng message sa kanya at binigay nya sakin address kung saan dapat ako pumunta
mukang tinadhana talaga na mapunta ako ng batangas. dahil sa laguna nila ako pinapapunta.
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
ActionBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣