Chapter 10

2.4K 76 15
                                    


Jennie pov.



"jennie ayos ka na ba?" tanong sakin ni neshi



"oo masyado lang sumakit ulo ko, pero okay na po ako" sabi ko sa kanila, muka kase silang nag wo-worry sakin eh.



"don't worry jennie, nagpatawag na ako ng ambulansya para siguradong ayos ka lang" sabi sakin ni tita na ngayon nakatayo sa harap ko at hinihimas ang buhok ko



"nako tita, wag na po ayos na po talaga ako, may time lang po talaga na bigla  sumasakit ulo ko, tapos mga ilang minuto nawawala na sya" sabi ko sa kanila at napatingin ako kay sky na ngayon nakatingin lang sakin



hindi ko alam kung alaala ko ba yung mga nakita kong imahe sa utak ko o ilusyon lang, ang pinagtagaka ko bakit kasama si sky na may hawak na bulaklak dito sa gym, at bakit feeling ko etong school na to ay punong puno ng mga alaala ko. nag aral ba ako dito bago ako mawalan ng alaala, saka bakit kamukang kamuka ko yung yuki na yun, sino ba talaga sya, ang dami kong tanong sa isip ko pero dapat ialis ko muna ang mga tanong na yun



Habang nag uusap usap sila tungkol sa kalagayan ko may narinig kameng pagsabog sa labas kaya napatayo ako, habang yung ibang tao sa loob ng gym nag sitakbuhan palabas.



"ano yun" sigaw ni neshi na nataranta na din, tatakbo din sana sya palabas kaso hinila ko sya papunta sa likod



"delikadong lumabas dito ka lang" bulong ko.



maya maya may mga pumasok na armadong mga lalakeng na may hawak na baril.



"labas kayo kung ayaw nyo madamay" turo ng lalake dun sa mga naiwan sa gym



"at kayo manatili kayo sa loob magtutuos tayo" nakangising sabi naman ng isang lalake, maya maya nagsi puntahan na din ang iba pa nyang mga kasama. kaya napapalibutan kame ng mga armadong lalake.



"shit bakit ngayon pa" bulong na sabi ni ate kizzy.



"ken, lerk. kayo na bahala kila jennie, itakas nyo sila dito" bulong ni tito kila lerk



"jennie, neshi, blezy, sofia pagbilang ko ng tatlo tumakbo tayo papunta sa locker okay?" bulong ni ken samin



"1, 2, 3, TAKBO!!!" sigaw ni lerk at nagsitakbuhan naman kame habang pinapaputukan kame.

Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon