Chapter 1:"Ang tanong, bakit ka tulala?" Kanina pang pangugulo sa akin ni Denver habang kumakain kami sa loob ng military base.
Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin, kaunti na lang talaga ay susuntukin ko na siya.
"Ilayo mo iyang mukha mo kay Maga kung ayaw mo mahampas sa mukha ng machine gun." Pakikialam din ni Izzy habang sumusubo sa hotdog niya.
Nilingon siya ni Denver at nginisihan, "'wag ka na magsalita diyan, kumain ka na lang tutal mukhang sarap na sarap ka sa hotdog."
Inirapan siya ni Izzy, "Gago."
Hindi ko na lang sila pinansin at hindi na sumabay sa trip nang mapansin ang titig sa akin ni Yve. Nang nakita niyang nakatingin din ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin at isinenyas ang sandwich na hawak-hawak, "Kain ka pa, maputla ka Lieutenant, baka kunin ka ni San Pedro niyan."
Nang matapos kaming kumain nang agahan kasama ang mga kaibigan ay dumeretso na kami sa field dahil mag sisimula na ang hell week para sa mga recruit ng LSOF.
Ang dating recruit ng LSOF na two-hundred and fourty-two ay mahigit isang daan na lang ngayon. Ang iba sa kanila ay hindi nakayanan ang training habang ang iba naman ay natanggal na dahil hindi naka pasa sa mga task na kailangan nilang pag daanan.
At nang makarating na kami sa field ay naabutan na namin ang mga recruit, all of them are still jogging for thirty minutes now, ganito namin sila iniwan kanina at nadatnan namin na ganito pa rin ang ayos nila.
Isa ang Philippine Special Forces ang may pinaka mahihirap na training sa buong mundo, at nangunguna naman sa buong pilipinas ang LSOF o ang Langston Special Operation Forces. Hindi lang lakas ng katawan ang sinusubok namin dito, kundi pati na din ang isip at tiwala para sa isa't-isa.
Also, the training here is brutal and we don't give mercy for the trainee, isa na din iyon sa mga kailangan mapag tagumpayan ng mga recruit dahil kung oras na nila sa digmaan ay paniguradong hindi sila kakaawaan ng mga kalaban.
"Alam niyo ba, muntik na akong namatay dahil sa training." Biglang sambit ni Yve dahilan nang pag lingon naming tatlo sa kaniya. "Third day 'yon ng hell week at wala kaming tulog for 115 hours, tapos nag jogging kami paakyat ng bundok tanghaling tapat. Tapos inatake ako ng asthma." Yve said while pouting her lips.
Inirapan siya ni Izzy, "O tapos? Saan pake namin?" Sarkastikong sabi pa ni Izzy sa kaniya. Agad naman siyang siniko ni Denver at sinamaan ng tingin.
Mas lalong namang ngumuso pa si Yve. "Huhu, bad!"
Napa-isip ako sa sinabi ni Yve, at dahil doon naalala ko din ang nangyari sa akin nang mga araw ko sa hell week. I almost died because of heat stroke, apat na araw na kaming walang tulog at sobrang hinang-hina ako ng mga panahon na iyon, at tulad ng sinabi ni Yve, nag jog kami paakyat ng bundok ng tanghaling tapat, it's summer season at babad kami sa araw ng mahigit 10 hours. Pagkatapos ng ilang minuto hindi ko na maramdaman ang katawan ko, hindi ako makapag salita, hanggang sa sinugod na ako sa hospital at muntik pa akong ma-coma. I was confused at first because I knew heat stroke can't cause a comatose, but the doctor explained what happened to me, I slipped dahilan para mabagok ang ulo ko, which is I don't remember now.
"Let's go," Aya ko sa kanilang lahat at pumunta na kaming lahat sa likod ng military base, kung saan matatagpuan ang may kalaliman din na ilog. Hindi naman gano'n kalakas ang agos nito at may mga tali naman na abot kamay nang kung sino mang puwedeng malunod doon, kaya kahit papano ay ligtas pa din dito.
"Isa ba kami sa mag a-assist?" Tanong sa akin ni Denver habang sinusuklay ang sariling buhok gamit ang mga daliri.
Tinignan ko siya at sinimangutan, "Mauna ka na, pakamatay ka na rin kung gusto mo." Pambubuwisit ko rito, sinimangutan niya lang naman ako at hindi na pinansin pa.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...