Chapter 14:"Welcome back." Sambit ni Adler pagkadating namin sa mansyon niya.
Ngumuso ako at saka ibinaba ang bag ko sa isang sofa.
Umupo ako doon at sumunod naman siya. Tumabi siya saakin at niyakap ako mula sa gilid.
"We're now engaged." Bulong nito sa taynga ko.
Nilingon ko siya. Saglit pa akong natigilan dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin.
Kumunot ang noo ko pero muling napanguso, "Wala akong sing-sing."
"Do you need one?" Malambot ang ngiting iginawad niya saakin.
Para pa akong nakiliti dahil nag lalaro ang mga daliri niya sa bewang ko.
Umiling ako, "Hindi naman. Pero mas mafi-feel ko na engage ako pag may sing-sing." Sabi ko saka ipinakita sakanya ang kaliwa kong kamay.
Tinignan niya naman iyon saka hinawakan para ibaba.
Isinandal niya ang baba ng kanyang mukha sa balikat ko at ngayon naman ay ang mga daliri ko na ang nilalaro niya.
Nag-angat ulit siya ng tingin saakin. "Your fingers looks perfect. But yeah, you're right... Mas maganda pag may sing-sing." Bulong-bulong niya bago ito pinupog ng halik.
Nanatili ang tingin ko sa mga mata niya habang ginagawa iyon.
Nakatitig lang din siya saakin at pinapanood ang reaksyon ko.
"Mahal kita." Sambit ni Adler.
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay namamangha ako sakanya.
Nasasabi niya iyon ng hindi pinuputol ang tingin saakin.
Matamis ang ngiti ko sakanya ng biglang bumaba ang tingin ko. Naramdaman kong parang may isinusuot siya sa daliri ko.
Umawang ang labi ko ng makita ang isang sing-sing na may malaking mamahaling bato sa gitna nito.
It looks expensive, mukhang matanda na din ang itsura ng sing-sing pero napakaganda parin nito. Ramdam ko ang bigat ng bato sa daliri ko.
"It's the Langston's heirloom ring." He said. "My mother gave it to me before she died. Sabi niya ibigay ko daw ito sa babaeng papakasalan ko at mamahalin ko sa pang habang buhay."
Namamanghang nag angat muli ako ng tingin sakanya.
He kissed my forehead and then he smirked. Tumayo siya sa pagkaka-upo at binuhat ako.
"Adler!" Saway ko sakanya dahil napatili ako sa gulat.
Agad kong iniyakap ang mga braso ko sa leeg niya.
Halata ang hiya saakin ng napatingin pa saamin ang ibang mga kasambahay niya.
Marahan siyang tumawa kaya isinandal ko nalang ang noo ko sa dib-dib niya para maitago ang aking mukha.
"Let's sleep, but before that take a bath first."
Tumango ako sa sinasabi niya.
Kinuha niya ang bag ko mula sa sofa at umakyat na papunta sakanyang kuwarto.
Nang makarating kami sa kuwarto niya ay inalapag niya ako sa kama.
Hindi ko naman ibinitaw ang mga braso ko sa leeg niya.
"You should take a bath first, baby."
Umiling ako, "Ikaw na mauna."
Hindi naman siya sumagot at tinignan lang ako, malapit ang mga mukha namin kaya para akong naduduling nang sinundan ko ang mga mata niyang bumaba ang tingin sa mga labi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/253665856-288-k298084.jpg)
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...