Prologue:"Assault the Target." Rinig naming sambit ni Captain Yukoshi Wesley sa woki toki. "This is an order from the Commander."
Napalingon ako kay Colonel dela Cruz at isinenyas ang kaliwang kamay upang mag bigay ng hudyat. Tumango naman siya sa akin at ibinalik ang pansin sa sniper na hawak.
Samantalang ako ay muling ibinalik ang pansin sa tinutugis namin ngayon na miyembro ng terorista. May kasama pa itong sibilyan na umiiyak dahil sa bombang ikinabit sa katawan niya.
Black Devil's seems making a scene these past few days, marami na silang nabibiktima at hanggang ngayon ay hindi umuusad ang operasyon dahil hindi namin mahuli-huli ang pinuno nila. Ang Black Devil ay isang malaking grupo ng mga terorista at base sa mga nakalap naming impormasyon tungkol sa grupo na iyon ay may pagawaan sila ng mga naglalakihang bomba na pinapadala sa iba't-ibang bansa.
"Colonel dela Cruz, ngayon na." Utos ko kay Denver at agad na pumwesto malapit sa area kung nasaan ang miyembro ng terorista at ang umiiyak na sibilyan.
And in a blink of an eye, Colonel dela Cruz sniped the target. Tumama ang bala ng sniper sa mismong noo nito, napasigaw pa ang mga tao sa paligid dahil sa bumulagtang terorista sa gitna ng kalsada.
Ako naman ay dali-daling tumakbo palapit sa hostage, agad kong tinignan ang natitirang oras sa timer ng bomba. "One minute and fourteen seconds, over." Sambit ko sa woki toki at inilapag na ang mga dalang gamit para ma-defuse ang bomba.
The time bomb is ticking, and it made me nervous. Pero nagawa ko namang ikalma ang sarili ko, ang problema ko lang ngayon ay ang mismong biktima ang hindi makalma.
"Please, Please, tulungan niyo po ako!" Umiiyak na sabi nito.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid na ngumiti, "I will, ma'am. Just calm down. Maliligtas po kayo." Pagpapakalma ko rito. Tumango naman siya, habang umiiyak, ramdam ko pa rin ang kaba niya.
"Lieutenant Alferez, dumating na ang ambulansya." Bungad sa akin ni Kizzy at inilabas ang mini flash light niya, itinapat nito ang ilaw sa mismong wires ng time bomb.
Tumango ako, "Good, Sergeant First Class."
Ngayon ay muli kong pinagkatitigan ang mga wires, isang minuto nalang ang natitirang oras namin kaya minadali ko na ito.
Since I was a kid, pinangarap ko ang ganitong trabaho. Being a Lieutenant in the most known Special Forces in the Philippines is a big deal. So I said to my self that I will do my best to save people's lives and protect the country to bad people like terrorist.
Maigi kong pinag-aralan ang mga wires na nasa harapan ko. There's a four wires in it at ang dalawa doon ay parehong asul, habang ang dalawa pa ay pula, at dilaw naman.
"Wire cutter." Sambit ko kay Sergeant First Class Fernandez.
Kizzy assisted me immediately tulad ng pag-abot ng mga kailangan ko.
"T-Teka lang po!" Nanginginig na sambit ng ginang. Umiiyak pa rin ito. "Paano po pag nag kamali, mamatay ba tayo? Baka sumabog!" Again, she panicked.
Tumawa ng bahagya si Kizzy para mabawasan ang takot ng ginang, "Naku, ito po si Maga, Lieutenant po namin yan, wag kayo matakot, magaling po iyan pagdating sa mga bomba."
Napangiti pa ulit ako sa ginang at hinayaan siyang mag taas baba ang balikat habang kinakalma ang sarili. Ako naman ay muling ibinalik ang tingin sa mga wires at walang sabi-sabi na pinutol ang pangalawang kulay asul na wire .
Napapikit pa doon pareho ang ginang at si Izzy pero napabuntong hininga nang makitang tumigil na ang timer ng bomb.
Thirty-two seconds.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...