Chapter 3:Agad akong napalingon sa kanya at agad na lumayo. Nakita ko rin ang pagdaan nang inis sa mga mata niya.
"Stop following me." Sambit ko dahil nakakainis siya.
"I'm not following you, I want to dance."
"Then dance, but keep your distance from me." Ewan ko ba kung ayos lang na ipag-tabuyan ko siya ng ganito dahil kataastaasang Commander namin siya, pero siya na rin ang nag sabi na wala kami sa trabaho.
"Umiiwas, huh?" May mapang-asar na ngiti pa ito sa labi niya.
Umiling ako, "No, nag-iingat lang." And then I sighed.
Ang kaninang nakangisi ay napalitan nang nakakamatay na tingin. Napatikom tuloy ako sa bibig ko, did I already crossed the line?
"From who? From me?" He asked me with his cold-baritone voice.
"Adler," napalingon ako sa dumating na si Captain Wesley, napatingin din ito sa akin pero hindi man lang siya nilingon ni Commander Langston. "Hi, Lieutenant Alferez. Nandito ka?"
Nginitian ko siya ng tipid, "Birthday po ngayon ng kaibigan namin, kapatid ni Colonel dela Cruz, Sir." Tumango siya at ngumiti sandali bago tumingin sa nasa harapan ko pa rin na si Commander Langston.
Pero muli niyang ibinalik ang tingin sa akin nan makita ang titig sa akin ng kaibigan niya. "May nangyayari ba?" Walang sumagot sa kanya kaya tinapik niya na lang ang balikat ng kaibigan para makuha ang atensyon nito, "Let's go back to our table, Kelsey is looking for you."
That's the time that I turned my back against of them, gusto ko na lang palang bumalik sa table namin at matulog doon. I don't want to dance anymore, I'm tired.
"See you around, Lieutenant." Huling narinig ko pang sabi mula sa kanya bago ako tuluyang nakaalis doon at itinapon ang sarili sa couch namin.
"Ugh Maga, ayusin mo nga higa mo!" Denver said in his most frustrated voice, nakapikit ako at mukhang kadadating lang nila galing sa dance floor after a few minutes na nag hihintay ako rito habang naka dapa sa couch.
"Woi, bakit ka umuungol-ungol diyan?" Narinig ko rin si Izzy na halata pa rin na lasing dahil sa boses. Hindi nag salita si Denver at natahimik silang dalawa panandalian bago ko naramdaman na may pumalo nang malakas sa puwet ko! "Gaga ka Maga, kita puwet mo! Pero in fairness ha, maputi tas malaman-laman." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag pikit, pinapakiramdaman lang ang paligid.
"Izzy! Denver!" Ngayon naman ay si Yve ang narinig ko at nagtitili-tili.
"Andyan na naman yung bata." Bulong ni Izzy saka umupo sa ulunan ko, naramdaman ko ang pag lubog no'n.
"Hanla nakita ko si Captain Wesley, andito siya! Pati sila Commander!" Natataranta na balita sa amin ni Yve, at the same time halata rin sa boses niya ang excitement. "Actually kami ni Ate Saxien! Iniimbita na nga niya ngayon sila na makipag inuman sa atin!" Gulat na naimulat ko ang paningin ko at dumeretso iyon sa sahig.
Ano?!
"Huh?! Tangina hindi nahiya si Ate?!" Pati si Denver ay nagulat at halata ang pagkapahiya sa boses.
Tumawa lang naman si Izzy, "Nice!"
"Eh pipigilan ko sana kaso nalaman kasi ni Ate Saxien na boss natin yung mga 'yon! Nahiya rin ako kasi nakatingin sa akin si Captain Wesley kaya tumakbo na ako papunta rito para ibalita sa inyo!"
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at napahawak pa sa ulo dahil nahihilo na naman ako, mas lalo kong iniyuko ang ulo ko sa couch para sanamas maibsan yung hilo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/253665856-288-k298084.jpg)
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...