Chapter 20

407 12 3
                                    


Chapter 20:

"I'll gonna surprise Denver kaya 'wag mo sasabihin sakanya, 'kay?" Sabi ni Ate Saxien mula sa kabilang linya.

She called me early this morning para sabihin na uuwi siya sa kaarawan ng kapatid. Sabi niya rin na dapat mag handa kami nang party with spiderman in it.

I laughed, "Ate, baka pag babarilin niya tayo pag ginawa nating party ng bata ang birthday niya!"

"Ano ka ba! He's still my baby kaya okay lang 'yon. Maiinis pero 'di magagalit."

Matapos ang tawag na iyon ay bumalik na ako sa trabaho. Nandito ako ngayon sa opisina ko kasama si Adler na tinitignan ang mga papel na nasa coffee table.

Because it's normal day, muling nagsipasukan ang mga kaibigan ko saaking opisina para sa tsismis. Hindi na sila nahihiya kay Adler kaya kahit na nakita na nila itong nasa loob ng opisina ko ay deretso parin silang pumapasok. Malakas na rin ang loob nilang bibiro-biruhin pa si Commander Langston.

"What do you want for lunch? Mag papa-deliver ako." Sambit ni Adler na ako lang naman ang tinatanong, pero ang mga sumagot ay ang mga kaibigan ko.

"Buttered Chicken, and Garlic Butter Shrimp." Si Izzy habang naga-assemble nang baril niya.

"Pork Menudo at Milk tea, Sir!" Si Nemo naman na parang na excite sa kakainin para sa lunch.

"Tapos ano, halo-halo para sa dessert." Nakanguso at mahinang sabi naman ni Yve.

Denver is silent while watching us, parang siya ang nahihiya sa mga pinagsasabi nang mga kaibigan kaya nanahimik nalang sa gilid.

Tumango-tango si Adler sakanila bago ako nilingon, "May iba ka pa bang gusto?"

Umiling nalang ako sakanya at baka mapagastos pa, "I'm fine with Pork Menudo." Sabi ko.

Rinig ko naman ang mahinang pag 'yes' ni Nemo.

At dahil wala si Daia rito sa HQ ay tinawagan pa siya ni Denver para papuntahin dito.

Tinawagan na rin ni Adler si Kuya at Kelsey para sumabay saamin. It's okay though, ayos naman si Yve at Kuya, we asked Denver if it's okay to him na makasabay namin si Kelsey and he said "Yes, no problem."

Limang minuto pagkatapos dumating nang pagkain ay nakarating na rin si Daia.

"Hi! Andito na ako!" Bungad ni Daia pagkarating niya, sunod naman na pumasok sila Kelsey at Kuya na agad dumeretso kay Yve.

Tumayo ako mula sa swivel chair ko at nilapitan si Daia. Agad ko siyang hinablot at hinila palabas nang opisina.

Sinundan kami ng tingin nila Adler pero hindi naman nila kami sinundan.

"Ouch! Bakit?" Ngumiwi si Daia saakin at hinaplos ang braso kung saan ko siya hinila.

I shot my brow and crossed my arms, "Ex-boyfriend mo ang pinsan ko?"

Nag-iwas siya nang tingin saakin at tumikhim. "Hindi ko alam---."

I snapped my fingers to get her attention back.

"Liar. You know that I am an Alferez, and Everett is an Alferez, too. Kung hindi mo talaga alam na mag pinsan kami, mag tatanong ka kung may kakilala ba akong Everett, kahit sabihin natin na nag mo-move on ka, o naka moved on kana, mag tatanong ka parin. Unless nahihiya kang mag tanong saakin dahil alam mo na mag pinsan kami?" I smirked at her, kita ko ang pag ismid niya saakin.

"Hindi 'no, chumacharot lang 'yang isip mo. Kung ano-anong naiisip eh---." Hindi ko ulit siya pinatapos.

"Libre ko ang lunch mo sa isang buwan." Sambit ko sakanya, malaki parin ang ngisi.

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon