Chapter 12:"S-Sorry, ah?" Nakayuko at naka-nguso na sabi ni Yviene saakin.
Nasa ilog kami ngayon dito sa militiray base dahil ngayon namin napag pasyahan na mag-usap.
"Inaamin ko naman na pinagselosan kita." Nag-angat siya ng tingin saakin na nangingilid na ang luha. "Binasted ko pa nga si Captain Wesley kase akala ko may namamagitan sainyo!"
Napatingin ako sakanya at dahan-dahan na nalaglag ang panga.
She did what...?
"Eh kase naman eh! Nabalitaan ko nalang hinatid ka niya sa bahay niyo, binisita ka sa office tapos kung ano ano pang naririnig kong tsimis tungkol sainyo! Kaya naisip ko baka ayaw mo kay Commander Langston dahil ang gusto mo ay si Yukoshi!" Iyak niya na parang bata, pumapadyak-padyak pa sa lupa.
Napapikit ako ng mariin, bahagya ding natawa ng sarkastiko at minasahe ang sintido.
"Akala ko pinagtataksilan mo ako. Kase diba alam mo namang matagal ko na siyang gusto?" Pinunasan niya ang mga luha niya. At nagsalita habang paliit ng paliit ang boses. "Tapos muntik pa kitang inaway, muntik ko pa inaway kapatid niya huhu."
Nagmulat muli ako ng mga mata at kita kong kinukurot niya nanaman ang mga daliri niya, parang kinakabahan.
"Bawas points na ba ako Maga? Baka ayaw mo na ako para sa kapatid mo?" Mas lalo pang humaba ang nguso ni Yve kaya hinila ko 'yon.
Napadaing naman siya.
"Magkapatid nga kayo! Pareho niyong hinihila yung lips ko everytime naka pout ako! Ang sama niyo!" Hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya dahil mariing nakatakip ang dalawa niyang kamay sa bibig niya habang nagsasalita.
Napa-irap naman ako dahil doon.
"Tama na Yve. Kahit gusto man kita o hindi para sakanya... wala ako magagawa. Buhay niya 'yon, all I can do is support the both of you." Sambit ko at nagkibit-balikat.
"Para mo na ding sinabi na ayaw mo na saakin!"
Inilingan ko siya, "Hindi ganon."
Unti-unti ko na din natatanggap na kapatid ko si Captain Wesley. Ngayon na napag uusapan namin ni Yve na kung tanggap ko ba siya para sakanya ay hindi ko alam. I don't even know what's good for my brother, lalo na sa mga babae. But I know Yve is okay, we have been friends for a long time and I already know her very well. Hindi naman ako hahadlang sakanila kung sakali, because I know the best thing I can do for them is to support.
Mas maganda na mapunta si Kuya sa kakilala ko na kaysa sa kikilalanin palang.
"Hmmp! Pero kahit naman magustuhan mo ako para sakanya ay wala na din namang saysay! Binasted ko na siya, baka nga hindi na ako non kauspin." Ngumiti saakin si Yve, at agad kong nakita ang lungkot doon. "Pero..." Tumawa siya at umangkla sa braso ko, "Okay na din 'yon feeling ko din naman niligawan niya lang ako kase naawa siya saakin. Alam kase ng lahat sa LSOF na gustong-gusto ko siya, baka gusto niya lang ako iligtas ka kahihiyan."
Naitikom ko ang bibig ko at pinanood si Yve na hilain na ako paalis doon.
"Change topic na! Mag sana all nalang tayo kay Kizzy!"
Tuloy-tuloy ang paghila saakin ni Yve hanggang makarating kami sa parking lot. "Wala ako dalang sasakyan. Pahatid ako pweaseee."
Suminghap ako at saka naman siya pinagbuksan ng Maserati, "Pasok na."
She giggled, "Thanks."
At tulad nga ng sinabi niya ay hinatid ko siya. Masyado siyang maingay sa biyahe pero nagawa kong makapag isip-isip ng nakatulog siya.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...