Chapter 25:"Daia, anak!" Tawag ni Sergeant Major Romero sa anak na parang batang tumatangis.
"P-Pa..." Takot na takot na tawag ni Daia pabalik sakanya ama, "A-Am I g-going to die?"
"Don't say that Daia!" I shouted.
Naagaw ko ang atensyon niya.
Samantalang ako naman ay nilingon si Adler na inaabangan ang gagawin ko.
"Where is the EOD tools?" Tanong ko sakanya.
He groaned. "Maga."
Nagsalubong ang aking kilay. "What. I can defuse the bomb, Adler. Nasaan ang mga EOD tools?!"
"You can't." Singit naman ni Izzy na namamaga ang mga mata. "Ang mga bombang iyon ay hindi katulad ng mga bomba na na-handle na natin, Lieutenant Alferez."
"Ano ba ang pinagsasasabi mo?! I can, Sergeant First Class Fernandez! I was trained to defuse bombs! Hindi pwedeng hindi ko alam ang bombang iyon!" Singhal ko sakanya. "Susubukan ko. Give me the EOD tools!" Utos ko sa mga taong nandoon.
"Huwag na Maga, tatlong minuto nalang ang natitira!" Si Daia na kinakabahan habang umiiyak. "Mapapahamak ka lang!"
"Shut up, Daia!"
Galit na galit na sigaw ko. Ano ito, gusto niya bang mamatay, ha?! I won't let that happen kung alam ko namang may magagawa ako!
"Lieutenant Alferez." Tawag saakin ng isang miyembro ng LSOF. He handed me the EOD tools kit.
Inaabot niya pa saakin ang isang bomb suit pero hindi ko na iyon pinansin at nagmamadaling lumapit kay Daia.
"Maga! Fuck." Tila stressed na sambit ni Adler bago ako hinila sa braso para pigilan ako. "Wear a bomb suit!"
Nilingon ko siya, "Wala ng oras, Adler!"
"And what do you want me to expect? To let you be killed there?!" Nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Walang mamatay kung ma dedefuse ko iyon ngayon palang!" Sabi ko at sinubukan kong talikuran siya pero hinila niya ako ulit.
"That is a rare bomb, Mrs. Langston! Kung matigas ang ulo mo at ayaw mo makinig ay sasamahan kita!" Sabi nito at hinilot pa ang kanyang sintindo.
"Fine!"
Dali-dali akong tumakbo kay Daia na hindi alam kung lalayo ba o lalapit saakin. Sumunod naman si Adler.
"Hold on Daia, makakaligtas ka. Don't panic." Pampalubag loob ko sa kaibigan na umiiyak parin hanggang ngayon.
"Umalis ka na, Maga. Umalis na kayo rito, Commander Langston. Gusto ng mga Black Devil na sumabog ako kasama kayo, you can't be near me!"
"Daia, anak huwag ka nang matigas ang ulo. Maliligtas ka." Mahinang sabi ni Sergeant Major Romero na mukhang nanghihina at ano mang oras ay mawawalan na ng malay.
Itinaas ni Daia ang dalawang kamay na para bang sumusuko nang makita na lumuhod ako sa harapan niya.
"Mapapahamak ka lang!" Si Daia naman ang galit na sumigaw ngayon.
Hindi ko siya pinansin.
At nagkatinginan kami ni Adler ng makita ang mga wire ng bomba.
Para akong pinagpawisan ng malamig sa aking nakita.
If there are no red wires, cut the second wire. Otherwise, if the last wire is white, cut the last wire. Otherwise, if there is more than one blue wire, cut the last blue wire.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...