Chapter 6

469 19 4
                                    


Chapter 6:

Pinagkakatitigan ko si Commander Langs--- Fine, si Adler habang kumakain.

"You don't like the foods?" Tanong nito sa akin nang mapansin na hindi ako kumakain.

Siningkitan ko siya ng mga mata bago tumungo para bigyan pansin ang pagkain na nasa harapan ko.

Pinopormahan niya ako pagkatapos pag nakuha niya ang loob ko ay paniguradong gagawin niya sa akin ang mga ginawa niya sa mga naging babae niya. I know that, I know ako na ngayon ang binibiktima niya.

Muli akong nag-angat sa kanya nang tingin at agad naman nagsalubong ang mga mata namin.

Tumigil siya sa pagkain at pinanood ako na tignan siya.

Ano ba ang trip ng taong 'to? Maybe he wants me to cry for him? Yung mafall ako sa kanya para pag-iiwan niya ako, ma-satisfy niya ang sarili niya?

Napatawa ako sa isip ko. Oh boy, that will never happen. Baka gusto niyang ako pa ang mag-paiyak sa kanya?

Hindi ko type ang mga lalaking ginagawang pampalipas oras ang mga babae. Kami ay mga babae for goodness' sake, all women are precious, we should not cry just because of boys, we deserve better, we deserve to be treated as Queens.

Gusto niya ako ligawan? Or maybe he wants to play a game. And fine, I'll ride the game he started, I'll play his game until it's game over for him.

"You're creeping me out." Sambit niya.

Kinunotan ko siya ng noo dahil hindi ko agad nakuha ang sinabi niya.

"What are you thinking?" Tanong nito.

Inirapan ko siya, "Iniisip ko kung paano ka alisin sa buhay ko."

He chuckled.

"Hindi 'yan mangyayari." Ngising-ngisi na sabi niya.

Let see, then?

Hindi ko na siya sinagot at kumain na lang din. Hindi ko na din siya kinausap hanggang natapos kami. Hindi rin naman siya umimik.

"May gusto ka bang puntahan?" He asked.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Gabi na, hindi ako puwedeng mag tagal. Kailangan ko nang umuwi." Sabi ko at nagsimula nang mag-ayos, kinuha ko ang susi mula sa bag ko at saka na tumayo.

Nag buntong-hininga naman siya at tumayo na rin mula sa kinakaupuan niya.

"Ihahatid na kita."

Inilingan ko siya. "Hindi na kailangan." Sabi ko at naunang lumabas ng VIP area. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa makarating na kami ng parking lot.

"I'll call you later, then. Please answer it." Hinatid niya ako hanggang sa harap ng sasakyan ko. Pinasadahan niya sandali ang BMW ko bago ako nilingon.

"Titignan ko kung hindi ako busy." Sagot ko na ikina-nguso niya.

"Then text me when you're not busy. I-save mo na lang pag tinawagan kita."

Hindi ako sumagot sa sinasabi niya at pumasok na sa sasakyan ko. Ibinaba ko naman ang bintana nang katukin niya ito.

"Take care, Maga." He said.

Tumango ako sa kanya, "You too. Good night, Adler." Banggit ko sa pangalan niya dahil 'yon ang gusto niyang itawag ko sa kanya.

Napangiti siya sa akin kaya inirapan ko siya at saka ini-start ko  na ang sasakyan ko.

"Thanks for tonight." Muli niya pang sabi dahilan para lingunin ko ulit siya. Napatitig ako sa kanya nang titig din ito sa akin.

I should thank him din ba for dinner?

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon