Chapter 18

371 15 31
                                    


Chapter 18:

"What are your plans with Yviene?" Tanong ko sa kapatid ng walang habas kong binuksan ang pinto ng kuwarto niya at pumasok doon.

Pareho na kaming nakatira sa mansyon ng mga Alferez. Ewan ko ba rito sa amerikanong ito at gusto ata akong bantayan kaya sinundan ako rito.

Nag angat ng tingin saakin si Kuya Yukoshi mula sa paga-assemble niya ng baril. Tamad na tamad ang mga mata niyang tinignan ako.

"What do you mean?"

Lumapit ako sa kama niya at pasalampak na humiga roon.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan niya naman ako.

Yes, bati na kami at ewan ko ba kung may sa demonyo ang dugo namin at mabilis na kaming magkasundo ngayon!

Sa sobrang close namin ngayon ay hindi na awkward saamin ang inisin ang isa't-isa. Kung noon sa trabaho ay magalang ako sakanya at walang misyon na inaayawan pag siya na ang nagsabi, ay ngayon naman wala siyang ibang magawa kundi ako na ang sundin.

Ngumisi ako sa isiping iyon.

I still respect him, tho. Not as the Captain of LSOF, but as my brother.

Yun nga lang, feeling ko kaya laging pabor na saakin si Kuya ngayon ay dahil kay Daddy. Lola said that our Dad is happy when he knows then that his child is a girl. Ikinuwento rin daw nito kung gaano ako kagusto ni Daddy i-spoil. And I think Kuya is spoiling me because Dad doesn't have much time to do that.

I wonder kung nasaktan ba si Kuya roon? Dahil sa panahong iyon ay ako lang ang kilala ni Daddy na anak niya.

"Kita ko, may sing-sing siyang suot." Sabi ko. "You gave her that, right?"

Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa niya.

"Yeah. Promise ring palang 'yon." Sagot naman nito at tumayo para ilapag ang baril sa side table.

"So kailan mo balak na pakasalan siya?" Tanong ko pa sakanya. Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama niya at umayos ng upo roon.

"Pagkatapos mong ikasal. Ikaw ang mauuna 'di ba?" Ngisi nito saakin.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Wala na nga 'di ba?" Asar na sagot ko. "Di na tuloy ang kasal."

Tumayo ako sa pagkaka-upo at umambang aalis dahil mukhang hindi ako makaka-tsismis sakanya. Makakalabas na sana ako ng kuwarto niya nang matigilan dahil may pahabol na sabi pa saakin si Kuya.

"You're not sure about that, my dear little sister."

Hindi ko na pinansin iyon at nag handa na para bumisita sa kumpanya ni Mommy. Balak ko siyang bisitahin pati narin ang building dahil matagal na akong hindi naka-apak doon.

Pagkatapos ay makikipag-kita naman ako kanila Izzy.

Naayos ko naman ang problema ko kay Mommy, nagkaayos kami and infact hiniwalayan pa nito si Sir Antrius. Sinabi ko sakanya na ayos lang kung magkabalikan sila, hinihikayat ko rin siya na makipag ayos pero ang sabi ni Mommy ay wala na siyang balak na makipag relasyon pa rito. Ako pa nga ang pinipilit niya na balikan si Adler, pero ngayon ay mukhang malabo na 'yon.

"Why don't you try it again, hija? Kakausapin ko si Adler." Mahinahon na sabi ni Mommy saakin.

Inilingan ko siya, "Mommy malabo na, hindi niya na ako kinakausap pag hindi tungkol sa trabaho. Siya ang mukhang may ayaw na saakin." Sagot ko sakanya.

Nababalitaan ko nga na may iba na itong nililigawan dahilan ng pag iyak ko gabi-gabi. Hindi rin naman ako nagulat dahil madali lang naman akong palitan.

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon