Chapter 16

356 13 11
                                    


Chapter 16:

"Maga?" Takang-taka ang pinsan kong si Everett ng makita akong nasa tapat ng gate ng mansyon.

"Hi." Nanghihina akong ngumiti sakanya.

Dahan-dahang lumawak ang ngiti niya at pinagbuksan ako ng gate.

"Bakit mo naman naisipan bumisita dito ng gabi! It was good that I went out to park my car in the garage!" He even laughed. "I'm sure grandma will be glad you're here!"

Hindi ako nakapag-salita kaya nawala ang ngiti sa labi niya. Lumapit siya saakin at bahagyang hinawakan ang balikat ko.

Halos 'di ko na mapigilan ang umiyak.

So when he asked me if I was okay, I sobbed.

Umiling ako at isinandal ang noo ko sa dib-dib niya.

"W-What's the matter?" Takang tanong nito saakin.

Niyakap niya ako at hinintay akong tumigil sa pag hikbi para sumagot.

"C-Can I stay here? For a week?" Tanong ko at humiwalay sa yakap niya para tignan siya.

Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko na para bang binabasa ang iniisip ko.

"Maga, anong nangyari?" Seryosong saad niya. Para pang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya. "You can stay here whenever you want. If you want, you can live here too. This mansion belongs to you Mathilda." Sabi nito, kunot ang noo niya at itinagilid pa ang ulo para pag masdan ako. "Pero alam kong ayaw mo dito, so what happened?"

Itinikom ko ang bibig ko at pinunasan ang mga bakas ng luha. Umiling ako sakanya, pinaparating na ayaw ko mag salita.

He sighed, "I won't force you to speak. But I am always free kung gusto mo magsabi ng mga problema mo." Ngumiti siya saakin ng matamis at inakbayan ako. "Let's go inside habang hindi pa tulog si Lola."

Mahaba pa ang distansya ng gate sa mansyon. At sa paglalakad namin papunta sa main door ay wala akong ibang naisip kundi ang nangyari kanina.

Si Adler... He knows na may relasyon ang mga magulang namin, and he didn't fucking tell me.

Gusto niya ipaalam saakin ng harap-harapan na sobrang ikinasakit ng damdamin ko.

Sa biyahe ko kanina papunta dito ay kinakain na ng isipan ko na... paano kung gusto niya lang ako pakasalan kasi ayaw niyang magkatuluyan sila Sir Antrius at Mommy?

Kung ganon nga, I'm sure my heart will broke into pieces.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko sa isipang iyon.

Matagal kong iningatan 'to. Hindi ako naging committed sa ganitong klase ng relasyon at mukhang sa kauna-unahan ko pa ay sakit agad ang dinulot saakin.

Bakit ngayon pa nangyayari 'to kung kailan sigurado na ako sakanya? Kung kailan mahal ko na siya?

"Ate, call grandma please?" Paki-usap ni Everett sa isang kasambahay ng mansyon.

Mukhang nagulat pa ito ng makita ako.

"Good evening ma'am!"

Natatarantang sambit nito, nginitian ko naman siya ng tipid.

Ibinaling ulit ng kasambahay ang tingin niya kay Everett, "Tatawagin ko na po!" Dali-dali itong umalis at umakyat sa grand staircase.

Everett chuckled, "Paniguradong magugulat din ang ibang kasambahay pag nakita nilang nandito na ang madame nila." Nakangising sabi nito, nang-aasar pero hindi ko na siya nagawang patulan dahil natulala na ako sa isang banda.

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon