Chapter 17:Isang buwan ang lumipas at sa nagdaan na buwan na iyon ay hindi na kami ulit nakapag-usap kung hindi tungkol sa trabaho.
He's casual with me, a bit cold but he's trying his best to treat me better.
The last mission we held together is a pain in the ass. Unang araw nang paghihiwalay namin ay hindi kami nagkaroon ng maayos na komunikasyon. Muntikan pang hindi naging successful ang misyon but thankfully we are profesional enough to handle the mission.
I was checking my hand gun that time nang nilagpasan ako ni Adler. Natigilan ako dahil sa presensya niyang tila hindi na ako kilala.
A small smile crept into my lips.
Ginusto mo ito Maga, ngayon ay mag dusa ka.
Inilagay ko na ang isa kong baril sa gun holder na naka-kabit sa binti ko. Naka-suot ako ngayon ng isang eleganteng dress na medyo revealing. I'm comfortable though, kaya ayos na ito dahil kakailanganin ito sa casino na pupuntahan namin na club din pala.
I put my diamond earrings at ang kapareho nilang kuwintas sa katawan ko. I wore red lipstick and let my long straight hair free.
Base sa napag-planuhan, ay mag papanggap kami ni Adler na married couple... If we didn't broke up, hindi na dapat kailangan mag panggap.
"Ready ka na? Lieutenant Alferez?" Tanong saakin ni Nemo ng makita ako.
Tinanguan ko siya saka kinuha ang itim na pouch na ipinatong ko kung saan. May karga din itong revolver na maliit dahilan na naipagkasya ko ito sa pouch ko.
"Let's go." Aya ko sakanya.
Tatlo lang kami nila Adler at Nemo na papasok sa Casino. Ang ibang parte ng aking team ay mag aabang sa entrance, basement, at emergency exit. Pupuwesto sila doon para kung sakaling papalpak ay mayroon kami agad na back up.
My friends and my brother will monitor us. Ang mga dyamanteng nakakabit sa katawan ko ay may mga camera at audio recording na naka-konekta sa control room ng HQ.
May suot din kaming earpiece na hindi halata, we need it para mayroon padin kaming communication kanila kuya.
Sumakay kaming tatlo sa Ferrari na pag mamay-ari ng LSOF. Si Nemo ang nag maneho nito dahil kailangan niyang mag panggap na driver at bodyguard namin ni Adler.
Ang ibang team naman ng Delta na siyang back up namin ay nandoon na sa paroroonan namin, nauna na sila dahil hindi pwedeng mag sabay kaming lahat.
Sa loob ng sasakyan ay tahimik kaming tatlo. Pasulyap-sulyap si Nemo sa rearview mirror para matignan kami ni Adler na nakaupo sa magkabilang dulo ng upuan.
Nemo sighed violently kaya nilingon ito ni Adler.
Para pang si Nemo ang nahihirapan sa sitwasyon naming ito.
Umiling ako at saka itinuon ang pansin sa mga puno at building na nadadaanan namin.
Mariin kong hinawakan ang pouch ko para ilabas ang pagkaka frustrate ko sa sitwasyong ito.
Adler looked calm. Hindi katulad ko na halata ang tensyon saakin. Mabuti at hindi pinupuna iyon ni Adler na siya namang ikinasakit ng puso ko.
Parang hindi niya na napapansin ang presensya ko, pati ang nararamdaman ko kahit halata na iyon ay binabalewala niya na.
My lips is trembling so I bit it immediately para mapigilan ito.
Goddamn it Maga! Set aside your feelings for him and move fucking on! Mukhang nag mo-move on siya kaya dapat ay gawin mo din!
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...