Chapter 2:"Aray tangin--!" Izzy groaned nang maibalibag ko siya. We're doing BC or Basic Combat dahil wala kaming gaano na ginagawa sa opisina kaya kami naman ulit ngayon ang nag t'training. Everybody is watching us lalo na ang mga recruit dahil malaking tulong din sa kanila na makakita ng moves na puwede nilang tularin. "Mercy, Maga!" Sabi nito habang tumatayo, hawak pa ang balakang.
Tinaasan ko siya ng kilay, "There's no mercy in enemies, Sergeant First Class."
Tinaasan niya din ako ng kilay, "Ah kaaway pala kita? O sige, f.o na tayo." Kunwaring galit na sabi niya kaya tinawanan ko siya.
"Fool."
"Tara kain na tayo." Aya sa amin ni Yve habang nilalaro ang dulo ng kanyang buhok.
Nilapitan siya ni Denver at inakbayan, "Wala pang lunch time, Yve."
"Eh baka puwede nang kumain?" Pagpipilit nito habang hinihimas ang tiyan.
"Nanunuod ang Commander pati si Captain Wesley, baka mapagalitan tayo." Ani Denver habang hinahawakan ang kamay ni Yve para mapigilan ang pag hawak sa tiyan.
"Ihh, ano ba!" Nakangusong sabi ni Yve.
"Itali mo kamay kung ayaw papigil." Suggest naman ni Izzy bago umalis at nagpatuloy sa training ng Basic Combat kasama si Sergeant Major Romulo Romero.
Nang makitang umalis si Izzy sa harap namin ay umalis na rin ako sa harapan ng dalawa para mag patuloy na rin sa ginagawa. Lalapit na sana ako sa nakitang wala ting kapareho tulad ko nang matigilan nang makita kung sino ang lumapit sa akin.
"Need a partner?"
"Sir." Mahinang saad ko at lito pa kung sasaludo ba o ano, pero nag saludo rin nang tinignan niya ang kamay kong nag dadalawang isip. "Yes sir." Sagot ko sa tanong niya.
Napakunot pa ang noo ko nang makitang tinatanggal niya ang pang itaas niyang uniporme hanggang sa matanggal niya ito at ang itim na shirt na pang loob niya nalang ang natira. "I can be your partner, Lieutenant. I want to try my skills, too." Saad nito.
Napatingin lang naman ako sa pang itaas niyang katawan, his black shirt's hugging his body. Kapit na kapit ito hanggang sa biceps, sa chest, at sa tiyan nito.
His wide shoulders is looking good rin. That's nice... he has a sexy body, huh?
"Is it okay with you?"
Muli akong nag angat ng tingin sa kanya nang nag tanong ulit, naabutan ko rin itong nag pipigil nang ngisi.
"Sure Sir, it's a pleasure." Sambit ko at ngumisi rin pabalik sa kanya. Saglit pa siyang natigilan sandali sa ngisi ko pero agad rin naman ngumisi pabalik.
"Go Lieutenant Alferez!" Sigaw ni Yve na siyang nag chi-cheer sa akin na para bang nasa isang kumpetisyon ako.
Commander Adler Langston standing three meters away from me, watching me intently making me a bit nervous.
I am watching him too at para kaming nag hihintayan sa kung sino man ang unang kikilos sa aming dalawa. Not until nagsalitang muli siya, "Make the first move." He commanded me.
Napa-isip pa ako kung dapat ko ba siyang sundin pero wala akong ibang nagawa kundi ang umatake sa kanya.
Kaya agad akong tumakbo palapit kay Commander Langston at sinubukan siyang suntukin sa kanyang panga, hindi lang nag tagumpay dahil nakaiwas siya agad at nahawakan ang kamao ko para pigilan.
Napatingin pa ako sa kamay niyang malamya lang na hawak ang kamao ko, na para bang ayaw niya masaktan iyon.
Pero hindi ako nag patinag sa ginagawa niya at agresibong gumalaw para masiko ang baba niya, muli nga lang siyang naka-iwas kaya sinubukan ko naman ang yumuko para tadyakan ang paa niya ngunit nagawa naman niya ngayong tumalon.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomansaAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...