Chapter 5

541 17 3
                                    


Chapter 5:

Ginagamit niya ba ang kapangyarihan niya sa akin?

What the heck?

"Sorry?" Napakurap-kurap ako nang hindi siya gaano maintindihan.

Umayos siya nang tayo, "Tommorow, after work, Lieutenant." Huling sambit niya bago siya umalis nang opisina ni Mommy.

Dahil sa lito ako sa pinagsasasabi ni Commander Langston ay nanatili pa ako nang mas matagal sa office. Saka lang ako nagpasya na umuwi na nang kumatok na ang isang staff at sinabing kailangan na mag-sara.

Umuwi na ako pagkatapos no'n at sinalubong naman ako ni Mommy na kunot ang noo. "Bakit late ka Maga? Malamig na ang mga niluto ko!"

"I-I'm sorry po, madami lang trinabaho Mommy." Tinignan ko si Mommy na tila naiinis, bago ko naalala na itanong sa kanya kung saan siya nagpunta. "Saan ka nagpunta, Mommy?"

Natigilan siya at nag-iwas ng tingin, "Nakipag kita lang ako sa mga Amiga ko."

Hindi agad ako nakapag-salita, pero kalaunan ay tinanguan ko siya.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kuwarto ko para magpahinga, marami na naman kaming tratrabahuin bukas at may darating pang bomba na binili ng ahensya mula sa ibang bansa kaya kailangan ko nang matulog.

Nang magising kinaumagahan ay kaagad na akong naghanda para sa trabaho. Nagising ako nang hindi naabutan si Mommy.

"Saan nagpunta si Mommy, Manang Saya?" Tanong ko sa kanya na siyang naabutan ko rito sa kusina. Inilagay niya ang mga niluto niya sa isang malinis na pinggan.

"Hindi ko alam, Maga. Hindi niya nabanggit sa akin." Sabi niya sabay lapag ng mga niluto sa harapan ko.

Napatitig pa ako sandali sa mga pagkain na nasa harapan ko, napakunot ako ng noo at nag tataka kay Mommy. Lagi niyang sinasabi kung saan siya pupunta, maliban ngayon.

Nag-angat ako nang tingin kay Manang Saya at nginitian ito, "Sabayan mo na ako, Manang."

Sa una ay ayaw niyang makisabay sa akin pero napilit ko naman kalaunan.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na akong papasok sa trabaho saka umalis doon.

Sa military base ako dumeretso para bantayan ang training ng recruit na ngayon ay pahihirapan na naman ng nakatataas.

"Izzy." Tawag ko sa kanya nang makitang papalapit siya sa akin habang nakapamulsa.

Hindi siya nag salita at tinignan lang ako.

Inilibot ko ang tingin ko para sana makita sila Yve pero hindi ko sila nahagilap.

"Nagpaiwan si Yve at Denver sa Headquarter." Sambit niya nang mapansin na hinahanap ko sila.

Kumunot ang noo ko saka binalingan siya, "Bakit?"

"Nakita mo ba 'yong kasama ni Captain Wesley?" Tanong niya pabalik sa akin.

Hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya nang nagtataka.

"May kasama siyang babae, kaibigan din ata ni Kelsey at ang sabi-sabi girlfriend iyon ni Captain Wesley."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, Girlfriend?

"May girlfriend siya?" Sa tagal na magkatrabaho kami ni Captain Wesley ay hindi ko alam na may girlfriend siya.

"Siguro ayaw ipagsabi? Gusto siguro ng privacy, I think." Sambit niya saka inayos ang short hair niya.

Iniisip ko pa si Yve kung ano ngayon ang nararamdaman niyang may girlfriend pala yung gusto niya. Natigil lang ako nang maalala rin si Denver, "Eh si Denver? Bakit nagpaiwan sa Headquarter? Ano naman ang issue niya?"

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon