Chapter 13:
Wala pang sampung segundo ay naka-sunod na agad saakin si Adler.
"Wag ka ng sumunod." Sabi ko sakanya.
"Dito muna tayo. We can still work while your friends are there." Pigil pa nito saakin.
Hinarangan pa ni Adler ang papasarado ng elevator para makapasok kami.
Parang gulat pa ang isang cadet ng pumasok kami doon. Sumaludo siya saamin at bumati.
"Ayoko sa maingay pag oras ng trabaho." Malamig kong sinabi. "I know my friends... hindi sila mauubusan ng tsismis! Kaya kahit ikaw ay hindi makakapag-focus sa trabaho!"
Nag buntong-hininga si Adler. "Fine, sasama ako sayo. Ipapahatid ko nalang kay Yukoshi ang mga kailangan kong trabahuin." Inilabas ni Adler ang phone niya at saglit itong minapula.
"Wag na! Bumalik ka nalang sa office mo!" Napakulit naman nito parang gustong bumuntot saakin buong araw!
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nag martsa na ako palabas nito. Bumungad saakin ang madilim na basement.
Magtutuloy-tuloy pa sana ako sa paglalakad ng nagsalita si Adler sa likod ko.
"You don't have a car, Maga."
Napatigil ako sa paglalakad.
Ngumuso ako. Oo nga pala... ang lakas ng loob kong mag walk out tapos wala pala akong dalang sasakyan!
Nilingon ko si Adler na malapit na saakin.
"Pahiraman mo ako ng sasakyan mo."
Tinaasan niya ako ng kilay bago umiling, "No."
"Adle---!"
"Let's go together, I'll come with you." Marahan na hinawakan ako ni Adler sa braso at iginiya ako sakanyang sasakyan.
Wala akong nagawa at sumama nalang sakanya. Kung ayaw niya ako pahiraman ay gagawin ko nalang siyang driver ko.
Ngumisi ako sa aking sarili sa naisip.
Nakita pa ni Adler ang pag ngisi ko... nagtataka niya akong tinignan pero hindi niya naman ako pinigilan.
Ipinag bukas ako ng pinto ni Adler. Sumakay ako at sumunod naman siya. Nang makasakay na kami sakanyang Dodge Viper ay agad niya itong pinaandar.
Inilapag niya pa ang kanang kamay sa ibabaw ng aking hita. Hindi ko naman siya sinita dahil hindi naman magalaw ang kamay niya.
Ganon lang ang puwesto namin aa buong biyahe papuntang Military base.
At nang makarating kami ng military base ay sinalubong kami agad ng mga recruit para sumaludo.
I even saw Daia in the midst of the crowd.
"Let's go to my office. Doon ko na gagawin ang trabaho ko, there's a lot of books there, you can read." Ipinulupot pa sa bewang ko ni Adler ang kanyang braso.
Bumaba ang tingin ng mga recruit sa braso ni Adler na nakapulupot saaking bewang bago ibinalik ito saaking mukha. Pumula agad ang pisngi ko dahil sa tingin na iginagawad nila saakin!
"Adler, you're being unprofessional." Mariing bulong ko sakanya. "Tinitignan nila tayo."
Inilibot ni Adler ang tingin niya sa mga recruit. "Don't mind them." Walang pakealam na sambit nito.
Sinamaan ko siya ng tingin pero napanguso sa kiliting nararamdaman saaking puso.
"Let's go, please?" Pilit nito.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomansaAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...
